Sweldo ng apprentice | Bandera

Sweldo ng apprentice

Lisa Soriano - May 23, 2014 - 03:00 AM

DEAR Ms. Liza Soriano:
Isa po akong apprentice sa isang company na nasa loob ng PEZA dito sa Batangas.
Gusto ko po sanang magtanong kung magkano po ang dapat na sahod/sweldo bilang apprentice?
Meron po bang sweldo ang kagaya ng status ng employment ko?
Magkano po kaya? at meron pa bang ibang benipisyo? Maraming Salamat po.
Lubos na gumagalang at umaasa sa kasagutan sa akong
liham.
Wilfredo Ferrer

REPLY: Sa iyong katanungan Wildredo, ang sahod ng apprentices at learners ay hindi bababa sa pitumpu’t limang (75 %) porsiyento ng pinaiiral na minimum wage.
Ang apprentices at learners ay nasasakop ng apprenticeship at learnership agreements na aprubado ng Technical Educational and Skills Development Authority (TESDA).
Ang isang kuwalipikadong manggagawang may kapansanan ay nasasakop din sa ilalim ng alituntunin at mga kondisyong pang-empleyo at ng pasahod, mga pribilehiyo, mga benepisyo, fringe benefits, o allowances nang tulad sa kuwalipikadong taong walang kapansanan (Sec. 1 RA 10524 or the Magna Carta for Persoma with Disability)
DOLE Dir Nicon Fameronag
Dir for communications/spokesperson

Ang inyo pong lingkod ay maaari ring mapakinggan sa Radyo Inquirer DZIQ 990AM sa Programang Let’s Talk. Mag-usap Tayo tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes, alas-7 hanggang alas-8 ng gabi; at Isyu ng Bayan tuwing Linggo, alas-8 hanggang alas-10 ng umaga. Maaari din po ninyo na matunghayan o mapanood sa pamamagitan ng live streaming www.ustream.tv/channel/dziq.
Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapag- lingkuran sa abot ng aming makakaya.
Kaya naman huwag kayong mag-atubiling sumulat sa Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola St. cor. Pasong Tirad st., Makati City.
Maaari rin kayong mag-email sa [email protected] or [email protected] Serbisyo publiko sa AKSYON LINE. Kakampi mo! Maaasahan!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending