‘Yun bang konting bagay na gusto ko, ipagdamot ko pa sa sarili ko! – Willie | Bandera

‘Yun bang konting bagay na gusto ko, ipagdamot ko pa sa sarili ko! – Willie

Cristy Fermin - May 20, 2014 - 03:00 AM


Mas maganda na ang malinaw kesa sa malabo, sabi nga, kaya nang hilingin ng pamunuan ng Startalk na maging guest nila si Willie Revillame para siya mismo ang mag-interbyu sa birthday girl na si Manay Lolit Solis ay nilinaw niya ang mga imbentong kuwentong naglalabasan tungkol sa kanya.

Hindi niya itinatanggi na nagpupunta siya sa casino, ayon kay Wilie ay dibersiyon lang naman ‘yun para sa kanya, natatalo siya at nananalo pero ang mahalaga ay ang salitang control.

Kalokohan naman ang napabalita na natalo na siya nang six hundred million sa casino. Dahil daw du’n ay naibenta na ni Willie ang mga naipundar niyang bahay at gusali, puro pagkatalo raw kasi sa casino ang ikot ng kanyang buhay ngayon.

“Wala akong ibinebentang bahay ko, ‘yung mga hindi ko lang pinakikinabangang investments ang naibenta ko na. Ang concentration ko ngayon, e, ang ipinatatayo kong hotel sa Tagaytay na world class, ‘yun ang palagi kong binabantayan ngayon,” sabi ni Willie nu’ng Sabado nang umaga nang magkakuwentuhan kami.

Hindi niya kinakarir ang pagka-casino, puwede siyang pumunta ngayon at ilang araw ay hindi, dibersiyon lang ‘yun para sa kanya at sarili niya namang pera ang ipinanglalaro niya.

“Ilampung taon na ba akong nagtatrabaho nang araw-araw? ‘Yun bang konting bagay na gusto ko rin namang maranasan, e, ipagdadamot ko pa sa sarili ko? Ang mahalaga, e, ang control.

Alam mo kung kailan ka papasok at kung kailan ka lalabas na,” madiing sabi pa ni Willie Revillame na kinasasabikan nang mapanood uli ng ating mga kababayan.

( bandera.ph file photo )

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending