I-text kay Madam Sophia | Bandera

I-text kay Madam Sophia

Madam Sophia - April 21, 2014 - 03:23 AM

Mula kay  Federico Fernadez ng Quezon City. September 15, 1980 ang birthday ko. Ano po ba ang ibig sabihin ng “Om-Krato-Om-Joviyo”?
Tugon ni Madam Sophia: Ang “Om-Krato-Om-Joviyo” ay isang uri ng mahiwagang mantra, na sa sandaling inulit-ulit mong bigkasin sa kanyang saktong bilang, ang nasabing mga “mantra” ay magkakaroon ng bisa.
 Sa sandaling nagkaroon ng bisa ang isang mantra, ang kapangyarihan ng mga salita o mahiwagang tunog ay kusang papaloob sa sistema ng iyong pagkatao.  Sa ating halimbawa, ang “Om”  ay siya ring “Aum”,  hango sa antigong lenguwahe ng Sanskrit mula sa bansang India, na nangangahulugang “ang unang tunog o ang simula” bago pa likhain ang sansinukob.
 Ganito ang sabi sa antigong aklat ng Upanishads: The vibration of OM symbolizes the manifestation of God in form (saguna Brahman). Om is the reflection of the absolute reality, it is said to be “Adi-Anadi”, without beginning or the end and embracing all that exists. The mantra “OM” is the name of God, the vibration of the Supreme. When taken letter by letter, A-U-M represents the divine energy or Shakti.    Kaya kapag paulit-ulit mo itong binigkas, ang kapangyarihan ng “unang tunog at unang liwanag” ay kusang mapapasa iyo.  Ang “krato” naman ay ang mahiwagang pangalang hango sa Greek mythology na si Kratos, na nangangahulugang “Power.” Habang ang salitang “Joviyo” ay variation ng salitang Latin na “Jovan” na ngangahulugang “supreme God,” siya rin si Zeus sa mitolohiyang Greek at siya ring si Jupiter sa mitolohiyang Roman.  Kaya kapag lagi mong binigkas ng paulit-ulit ang mahiwagang mantra na “Aum-Krato-Om-Joviyo”, mapapasa iyo ang isang napakalakas na kapangyarihang nagmumula sa “supreme god”. Pero siyempre bago ka magkaroon ng “kakaibang kapangyarihang dulot ng mga mantra na ibinabahagi natin, obligasyon ng isang “mystic student” na mag-aral muna ng preliminary lesson tungkol sa asignaturang “mystic meditation, contemplation at basic yoga.”  Sa mga nagnanais magkaroon ng “personal mantra” o “makapangyarihang bulong” upang lalo pang umunlad ang inyong pamumuhay at magkaroon ng maligayang pakikipag-relasyon, masaganang paglalakbay, para maligtas sa kapahamakan at iba pang makapangyariahng mantra:
Maaari kayong sumulat sa ating pahayagang BANDERA, Inquirer Publication, Inc,. MRP Building, Mola St., Corner Pasong Tirad St., Makati City C/O Mantra ni Madam Sophia. Maglakip lang po ng 3 logo ng BANDERA, at wag kakalimutang isulat ang inyong kumpletong pangalan, address at birthday. Ito po ay libre o walang bayad.  Maraming salamat po!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending