Sa pormal na pagbubukas ng MMFF 2011
HALOS lahat ng sinehan sa buong Metro Manila ay punumpuno nu’ng Dec. 25 (pagsisimula ng Metro Manila Film Festival 2011) at marami ring kababayan natin ang nairita dahil sa haba at itinagal nila sa pilahan.
As expected, pami-pamilya ang nakapila sa mga pelikulang “Enteng Ng Ina Mo” at “Panday 2”, pati na rin sa “My Househusband”.
Magkakabarkada at magdyodyowa naman ang nakapila sa “Segunda Mano”, “Shake, Rattle & Roll 13” at “Yesterday Today Tomorrow” habang halos puro lalaki naman ang mga nakapila sa “Manila Kingpin: The Asiong Salonga Story”.
Kaliwa’t kanan ang tinatawagan naming mga kakilalang booker nu’ng gabi ng Linggo para alamin kung ano na ang nangunguna sa takilya pero hindi nila kami sinasagot.
Pero kahapon ng umaga ay nakatanggap kami ng text message mula kay Kris Aquino bago siya lumipad patungong Amerika kasama sina Joshua at Bimby, “Good morning! Allow me to share good news! MMFF First Day: (1) Enteng Ng Ina Mo, P38.5M; (2) Panday 2, P20.3M; (3) Segunda Mano, P18.25M; (4) My Househusband, P17.33M; (5) Shake Rattle & Roll 13, P15.9M; (6) Yesterday Today Tomorrow, P10.1M; (7) Manila Kingpin: The Untold Story of Asiong Salonga, P3M. Thank you God. Congrats friendship (Ai Ai delas Alas) and Vic (Sotto)! Congrats Bong (Revilla)! Congrats Juday, Ryan and Uge!”
Samantala, nu’ng Linggo ng gabi ay nakatanggap din kami ng mensahe mula sa katotong Jobert Sucaldito at ipinaalam na sinabotahe raw ng SQ Laboratories ang “Asiong Salonga” dahil sa halip na 51 prints ay 17 prints lang ang nakuha nila para ipalabas sa mga sinehan.
“Naipit daw kasi sila ng ibang producers kaya 17 prints lang out of 51 ang nagawa nila. Despite this, sobrang lakas ng ‘Asiong’ sa 17 theaters. Bukas (kahapon), kumpleto na ang ‘Asiong Salonga’ sa 51 theaters kaya lalaban na ito ng husto.
“Nakapagtataka lang ‘coz ‘yung 34 vacant theaters ay na-fill in ng ibang entries gayung SQ Lab din ang may gawa. Saan sila kumuha ng extra prints? Kakaloka, di ba?
Pero may awa ang Diyos, di magwawagi ang may masamang hangarin. Goodluck and bravo sa ‘Manila Kingpin: The Asiong Salonga Story’ dahil lahat ng nakapanood ay pumupuri sa ganda ng movie. Tiyak na hahakot ito ng maraming awards sa Dec. 28,” ang text pa sa amin ni Jobert.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.