Risk reduction daw | Bandera

Risk reduction daw

- December 26, 2011 - 02:00 PM

WALANG risk reduction ang pambansa at lokal na pamahalaan nang ihayag na mananalasa si Sendong sa Mindanao, ayon sa tatlong araw na survey ng Bandera sa mismong lugar ng delubyo.

Sa madaling salita, di nabawasan ang peligro ng National Disaster Risk Reduction Management Council ng pananalasa ni Sendong.

Ang bawas-peligro ay di nagsisimula sa babala ng parating na bagyo.  Ito’y dapat nagsimula nang manungkulan ang Ikalawang Aquino.  Kung inihinto (o nabawasan man lang) ang illegal logging, disinsana’y nabawasan ang peligro ng pananalasa.

Si Ben Evardone, tagapagtanggol ng administrasyon ngayon at noon, ay nagsabi na “maaaring” wala nang illegal logging (mismong siya ay di nakatitiyak), pero talamak pa rin ang pagkakahoy para sa uling at ang ayaw pigiling kaingineros.

Pero ang ebidensiya ni Sendong ay nagsasabing malayo si Evardone sa katotohanan.

Hindi dapat umaasa ang taumbayan sa PAGASA (Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration).  Kung patuloy na aasa ang taumbayan sa PAGASA, walang pag-asang makaliligtas sa peligro.

Tunghayan ang magagaling na meteriologists ng CNN, mga ulat mula sa Internet at ang mapagkakatiwalaang US military.

May mga ulat, halimbawa, ang PAGASA na “malawakang ulan, na tatagal simula alas-10 ng umaga hanggang alas-3 ng hapon.”  Sa madaling salita, paglabas ng anak mo sa paaralan ay baha na.

Malinaw sa pahayag na ito kung saan ilalagay ang bawas-peligro at di na kailangan ang mataas na pinag-aralan para ibuka ang bunganga’t magsalita.

Heto ang ilan sa kanilang pahayag: AKO po si Thelma, ng Barangay Macasindig, Cagayan de Oro City.

Walang warning ang PAGASA na ganoong karaming tubig ang bababa sa amin.  …2133; WALA palang direktor ng DSWD sa Iligan City at ni-refer pa kami sa Cagayan de Oro City.  Bakit ganoon? …1820; ILLEGAL logging killed hundreds of people in Mindanao.

Binuking ng Diyos ang mga taga-Mindanao na mga suwapang sa pera.  OK lang dahil hindi naman sila huhulihin ni P-Noy.

Itaga niyo sa bato kung may negosyante o politiko na makukulong dyan.  Sobra pa kay Ampatuan ang kasalanan nila. …8830; DAPAT sisihin ang media, lalo na ang radyo.

Puro lang sila patugtog at kyaw-kyaw.  Wala akong narinig noong Friday na sinabi ng radyo na humanda na sa evacuation. …1229.

Nagsalita si Gibo Teodoro at sinabi niya na napuna niya ang labis na pagbibigay-halaga sa impeachment ni Renato Corona, kesa bawas-peligro.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Para kay Sen. Aquilino Pimentel III, higit na kailangan ang “stronger disaster preparedness and mitigation measures.

” Pero, nasaan ito ngayon (di pa maapuhap sa noo)?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending