AYAW sibakin ang mga bugok, bobo, kawatan at mandarambong sa gobyerno. Ibinulatlat ni Sendong ang kabugukan, kabobohan, pagnanakaw at pandarambong.
Alam ng mga residente ng Cagayan de Oro at Iligan na may mga bugok, bobo, kawatan at mandarambong sa PNP at DILG, DENR, DSWD at PAGASA. Sa DENR, nariyan ang lahat ng pinaka. Ang patunay: di maihintong illegal logging.
“Did God give you your appointment papers to decide on who’s good or evil? Do you have a direct line to God?” Ito ang mga tanong ni Sen. Miriam Santiago kay DSWD Secretary Dinky Soliman na hindi nasagot ng kalihim. Tahimik ang mga lider-Katolika.
Dahil wala rin silang “direct line to God.” Sinibak ng Supreme Court ang huwes sa Malabon na nakakausap ang mga duwende at ikinokonsulta sa mga ito ang kanyang desisyon sa mga kaso. Sino’ng sisibak sa mga nagsasabing nakakausap nila ang Diyos? —Lito Bautista
KAIBA ang Pasko ni Pampanga Rep. Gloria Arroyo ngayon. Hindi kasi siya magpapasko sa kanyang magandang bahay sa pangmayamang subdibisyon kundi sa Veterans Memorial and Medical Center na anyang kulungan ngayon.
Kung hindi pinayagan ng Pasay Regional Trial Court ang Christmas furlough ni GMA, hindi rin siya pinayagan na makipag-party sa mga reporter. Ayon sa PNP, hindi maaari ang gustong party ni GMA sa loob ng kulungan.
Ganito rin naman sa ibang kulungan na mas masikip at mas mabaho, bawal ang party sa loob. Kung tutuusin ay masuwerte pa rin si GMA dahil maluwag na nakadadalaw ang kanyang mga kaibigan, kumpara sa iba pang mga preso na magpapasko nang di nakikita ang pamilya.
Hindi naman kasi porke puwede ang dalaw sa mga kulungan ay makakapunta na roon ang pamilya ng mga bilanggo. Minsan, problema rin nila ang pamasahe at kung ano ang dadalhing pagkain, di tulad ni GMA na naka-SUV ang mga pumupunta.
Palaging may dalang espesyal na pagkain. Iba rin talaga pag mayaman ang nakakulong.
Yung ibang nakukulong, minsan ay naaambunan ng pagkain ang kanilang mga kakosa. Kaya natutuwa ang mga pobreng inmates kapag may dalaw ang mga ito. Yung ibang mayaman ay nakakapagdaos ng magarbong birthday party sa loob ng kulungan.
Kaya hirit ng ilang mahihirap na preso, buti na lang at nakulong sila, kung hindi baka mamatay na lang sila ng hindi man lamang nakakatikim ng litson. —Leifbilly Begas
MULA sa bayan (i-text sa 0917-8446769): Those who preach “love your enemies” should put their lives on the line. If there’s a hail of bullets in the war zone, let them take it as a sign of love. If you can’t, then shut up. Do I head a “save yourself” and self-defense talk now. …8830
Sobra na po ang NPA dito sa Agusan del Sur, lalo na sa mga bayan ng Bunawan, Esperanza, Loreto at Prosperidad.
Parang walang gobyerno rito. Parang ang gobyerno pa ang protektor ng NPA. Walang magawa ang mga pulis dahil ang pakiramdam nila kausap ng gobyerno ang NPA. …3299
Mahal namin si Mayor Ben Abalos. Lahat kaming botante ay kaya naming gawing zero ang boto ng mga kandidato ni Noynoy Aquino sa 2013. Sayang lang ang pagtulong ni Mayor Abalos kay Corazon Aquino. Ipakukulong pala siya ng anak nito. …2631
Sana, ibulgar din ni Ramon Tulfo ang baho ng National Bureau of Investigation sa nakalipas na administrasyon ng tatlong direktor nito. Mas malaki ang nakurakot ng mga NBI agents kesa nakulimbat sa Haponesa. Bilang dating pulis, hindi ako naniniwala na di ito alam ni Director Gatdula. …0410.
MAY alam ka bang katiwalian sa isang sangay ng gobyerno? Ikaw ba’y hiningan ng pera habang naglalakad ng papeles sa ahensiya ng gobyerno? O may alam ka bang opisyal ng gobyerno na may ibinabahay na iba?
May reklamo ba kayo sa mga pulis? May ibinabahay bang ibang pamilya ang pulis sa inyo? Parati ba siyang galit sa pera? O adik na ba siya? Tulungan natin ang pamahalaan na linisin ang kanilang hanay.
Tulungan din nating mapigilan ang katiwalian sa gobyerno. Sumulat sa Tropang Bandera, MRP Plaza bldg., Pasong Tirad corner Mola st., Makati City. Lakipan lamang ng Bandera logo with date ang inyong liham.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.