Antoinette Taus: Di nga lang isa, meron pa raw akong ikalawang anak kay Dingdong! | Bandera

Antoinette Taus: Di nga lang isa, meron pa raw akong ikalawang anak kay Dingdong!

Cristy Fermin - March 20, 2014 - 03:00 AM


Maraming nagtatanong, bakit nga ba kahit mahigit na isang dekada na silang hiwalay ni Dingdong Dantes ay ayaw pa ring mamatay-matay ang kuwentong nagkaroon siya ng anak sa aktor, napapagod na rin ba sa pagsagot sa ganu’ng tanong ang nagbalik-bansang si Antoinette Taus?

‘Yun ang unang mainit na tanong na ibinato namin sa maganda pa ring aktres nang maka-one-on-one namin siya para sa Showbiz Police, isang pang-uurirat na pinagtatawanan na lang ngayon ng dalaga, takang-taka na tawang-tawa siya sa nasabing isyu.

“At patuloy pong nanganganak ang kuwento. Hindi na isa lang, meron pa raw akong isang anak kay Dingdong,” natatawang pangkontra agad ni Toni.

2004 nang maghiwalay sila sa telepono lang, nasa Amerika nu’n ang dalaga at nasa bansa naman si Dingdong, sa taon ding ‘yun namayapa ang kanyang mahal na ina.

Aminado si Antoinette na naging napakahirap para sa kanya ang magkasabay na pagkawala ng dalawang taong mahal na mahal sa kanya, para raw siyang pinagsukluban ng langit at lupa, hindi niya alam kung paano uli siya magsisimula.

Malaki ang naitulong sa kanya ng pagiging abala sa trabaho, ang suporta ng kanyang ama at kapatid na si Tom (na isa nang sikat na deejay ngayon sa Amerika), naging mabilis din ang kanyang pagharap sa katotohanan dahil sa suporta ng mga kababayan nating Pinoy sa USA.

Marami kaming pinagkuwentuhan ni Antoinette tungkol sa naganap sa kanyang buhay nang mawala siya sa showbiz, ngayong hapon sa Showbiz Police mapapanood ang pinakahuling sultada ng aming panayam sa dalaga, nagkaroon pa nga ng bonus ang interbyu dahil sa pagpapaunlak ng nakababata niyang kapatid na si Tom na nagbida nu’n sa pelikulang “Cedie”.

Wala pa ring ipinagbabago ang kagandahan ni Antoinette Taus, lalong hindi pinagbago ng Amerika ang kanyang pagka-Pinoy, hanggang ngayo’y ramdam na ramdam ang pagmamahal ng aktres pati na rin ng kanyang kapatid na si Tom sa kaugalian at kulturang Pilipino.

May ilang anggulo pa nga na may hawig siya kay Marian Rivera, ang kasalukuyang girlfriend ni Dingdong, isang malakas na tawa lang ang iginanti du’n ni Antoinette Taus.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending