Methane gas, tire sealant | Bandera

Methane gas, tire sealant

Leifbilly Begas, Lito Bautista - March 05, 2014 - 03:00 AM


TANONG ng ating texter …6723, ng Barotac Viejo, Iloilo, kung tatakbo ng maayos ang motorsiklo sa methane gas.Noong Agosto 2012, ang Japan company na Toto ay naglabas ng eco-friendly na “Toilet Bike Neo” na pinatatakbo ng biogas na mula sa mga dumi ng hayop.

Tinagurian ito ng kompanya na “poop-powered” motorcycle na kayang tumakbo ng 300 kilometro sa patag na daan gamit ang biogas na nakalagay sa tangke na ang laki ay kalahati ng Balikbayan box.

Ginastusan ng Toto ang promosyon ng kanilang motorsiklo kasabay ng advertisement ng kanilang mga toilet product.
Pero nilinaw ng Toto na wala silang balak na ibenta ang kanilang three-wheel motorcycle.

Ginamit lamang nila ito upang itulak at lalong makilala ang kanilang mga toilet products.Kapansin-pansin na walang usok ang kanilang motorsiklo malapit sa mga lumabas na electric motorcycle at sa mga bagong four-stroke na 100s at 125 cylinder.

At ang lalo pang nakaka-agaw ng atensyon ang upuan ng motorsiklo na kahugis ng toilet bowl at may nakasabit na toilet paper roll sa likod.

Sinabi ni Kenji Fujita, spokesman ng kompanya, na nais lamang nilang palawigin ang kanilang green campaign at ang paglikha ng mga environment-friendly products.

Sealant
Nais naman ng texter na …1290, mula sa Tabuan Lasa, Basilan kung anong sealant ang maaari niyang gamitin para takpan ang butas ng kanyang gulong upang umabot ito sa vulcanizing shop.

Hindi natin maaaring banggitin ang brand ng tire sealant na ibinebenta noon sa Maceda st., sa Maynila. Nagsara ang tindahan dahil sa madalas na pagbaha at lumipat sa Washington street.

Ang naturang produkto ay hindi para sa mga 100s, 125s, 135s, 150s, 155s at 200s. Nakalagay sa tube ang sealant na parang toothpaste. Kapag nalagyan na ang butas, kailangang hanginan ang gulong gamit ang mini-compressor na aandar sa pamamagitan ng baterya ng motorsiklo.

Itinutulak ng hangin ang sealant sa butas upang matakpan ito at mapaandar ang motorsiklo hanggang sa vulcanizing shop.

MOTORISTA

Gas, langis
MAY motor ako bago, Honda CB 110.  Ano po ba ang bagay na gas at engine oil at anong brand ng engine oil?  Thanks and more power.
…6028

BANDERA

UNLEADED lang ang gas niyan.  Dahil bago pa iyan, alagaan mo muna sa recommended Honda oil.  Medyo mataas ang presyo niyan kesa pinakamurang langis ng isang small-time player.  Pero, maganda ang makina ng CB 110 at kailangang genuine ang langis na gagamitin.

MAY reklamo ka ba sa E-10 gasoline, peke at substandard na piyesa, at ilang bagay hinggil sa fuel, lubricants, motor, atbp?  I-text sa 0917-8446769

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Classifieds Motor
PARA sa inyong mga riders, mechanics, motorcycle salesmen, parts distributor at insurance companies ang Bandera Motor Section Classifieds.  Puwede ninyong i-text ang inyong ibinebentang motor sa BMS Classifieds at libre ito (one liner lamang).  Halimbawa: YAM Mio P40 (cell phone number).  Kung gusto ninyong makipagpalit, text: SWAP XRM 2010 (cell phone number).  Kung gusto ninyong i-text ang inyong serbisyo, i-text: MECHANIC Sam (cell phone number).  VINTAGE bike (cell phone number).  PARTS (cell phone number).  INSURANCE (cell phone number).  I-text ang mga ito sa 0917-8446769

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending