Goma pinagagalitan na si Lucy dahil daw sa katigasan ng ulo | Bandera

Goma pinagagalitan na si Lucy dahil daw sa katigasan ng ulo

Julie Bonifacio - March 05, 2014 - 03:00 AM


DOTING husband ang histura ng aktor na si Richard Gomez sa launch ng proyekto ng misis niya at kongresista ng Leyte na si Lucy Torres kaagapay ang clothing company ni Ben Chan, ang Bench.

Ang joint project na ito ay pinamagatang “6200 Mission Possible” na naglalayong makalikom ng 6,200 na bangka para sa mga mangingisda sa Leyte.

Mula pagpasok ni Lucy sa Activity Center ng bagung-bagong Ayala Terraces mall sa Fairview hanggang sa pagsampa sa stage para sa kanyang speech, walang tigil ang pagpipiktyur ni Goma.

Ayon kay Ben, hindi na raw natutulog si Lucy sa pagtulong sa mga kababayan niya sa Leyte. “Pinapagalitan ko na nga minsan, e. Sabi ko sa kanya kailangan  magpapahinga ka rin otherwise magkakasakit ka.

Una kasi ang tinamaan ‘yung mga livelihood nila. Nu’ng nagbagyo maraming bangka ang nasira.  So, itong bangka na ‘to, naisip namin ni Lucy, ‘yung livelihood ng fishermen sila ‘yung isa sa pinakamadaling ma-restore ang livelihood.

“Kapag binigyan mo sila ng isda today,  mangingisda na ‘yun. Pag-uwi noon, may ibebenta na siya. Kahit hindi pa buo ang bahay nila nakakapagtrabaho na sila, kumikita na sila,” ani Goma.

Ang ginawa raw nila ni Lucy naghanap sila ng supplier ng fiber glass na gumagawa ng bangka dahil mahirap maghanap ng kahoy na dulot ng super typhoon.

“Ngayon, madali gumawa ng bangka. Paano kasi para ka gumawa ka ng fiber glass meron  kang molde ‘di ba? Ang rate ng gagawa ng bangka using a mold na fiber glass is one mold  per day.

Kaya one bangka per day,” dagdag ng aktor. May 15 molds na raw sila ng bangka kaya posible silang makagawa ng 15 na bangka a day,  “Magsisimula na  ng paggawa ng bangka within two to three weeks.

Kaya maganda ‘to, e, sakto ang launch ngayon,” ngiti ni Goma. Tinanong namin siya kung ano ang partisipasyon nita sa “Mission Possible”.

Kasi bukod sa tinutulungan niya ang misis niya, let’s not forget na si Goma ang kauna-unahang endorser ng damit ni Ben Chan and until now.

And of course, ang unang TV commercial niya ay ‘yung nakasakay siya sa bangka habang nagsasagwan. O, ‘di ba may konek talaga! And during that time, hindi pa nami-meet ni Goma si Lucy, huh!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Anyway, 6,200 na bangka ang  target ng . Magdo-donate raw ang Ayala mall ng isang bangka.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending