Edgar Allan napatino ng bagong dyowa, bumalik na sa pamilya | Bandera

Edgar Allan napatino ng bagong dyowa, bumalik na sa pamilya

Reggee Bonoan |March 03,2014
facebook
share this

Edgar Allan napatino ng bagong dyowa, bumalik na sa pamilya

Reggee Bonoan - March 03, 2014 - 03:00 AM

MASARAP palang kakuwentuhan ang produkto ng Artista Academy ng TV5 na si Shaira Mae dahil lahat ng tanong namin ay sinagot niya.

Sa nakaraang grand presscon ng Confessions of A Torpe ay isa si Shaira Mae sa tinutukan ng entertainment press dahil bihira naman siyang makita kaya sinamantala na namin.

Unang tanong kaagad sa kanya ay ang relasyon nila ng young actor na si Edgar Allan Guzman, “Going strong po, matagal na po kami, one year na last February 17.”

Kamakailan lang kasi ay miyembro ng Sexbomb Dancer ang girlfriend ni Edgar Allan na halos itago niya dahil maraming hindi pabor sa relasyon nila, kaya nauwi rin sila sa hiwalayan.

At ngayon si Shaira Mae na ang bagong girlfriend ni Edgar at marami ang nagtaka kasi hindi na ito itinatago ng aktor.
Kaya tinanong si Shaira Mae kung proud siya ngayon sa boyfriend niya dahil inaamin na siya at hindi itinatago, pero aware rin ba ang baguhang aktres na may mga ayaw din sa kanya para sa binata.

“Para sa akin po, wala naman kaming ginagawang masama ni Edgar, single siya, dalaga’t binata at hindi naman po namin pinababayaan ‘yung trabaho. Hindi naman po masamang magmahalan as long as wala kang tinatapakang tao.

“Ang sa akin lang po, trabaho-trabaho, suportahan, hindi namin napapabayaan ang trabaho namin. Yung sa family namin, hindi namin napapabayaan, both sides ng family at nandoon si God sa center namin,”magandang sabi ni Shaira Mae.

Dati kasi kapag may karelasyon si Edgar ay nawawala ito sa sarili, na ang ibig sabihin ay mas inuuna pa nito ang pag-ibig kaysa sa pamilya at trabaho.

Bagay na pinabulaanan ni Shaira Mae, “Iyon po iko-contest ko naman po iyon kasi hindi naman totoo! “In the first place, nakikita ko ‘yun, pero hindi naman totoo kasi sa past relationship po niya, naririnig ko naman poi yon, ako gusto ko maging iba.

Gusto ko mabago’yung mga tingin ng tao sa kanya pag nai-inlove siya, so sinusuportahan ko siya at hindi naman po talaga totoo na nawawala siya sa focus o nadidiskaril, hindi talaga,” diin ng dalaga.

Sa madaling salita, good influence si Shaira Mae kay Edgar? At nabago raw ng dalaga ang relasyon ng binata sa pamilya niya.
“Nabago ko sa kanya, ‘yung sa family po niya, parang napabalik po siya, kagustuhan din naman niya, mas may time na mag-bonding sila.

Kasi dati may isyu na live-in sila ng ex (girlfriend) niya, so, ako, mas gusto ko na sila ng family niya as one, hindi ‘yung kukuhanin ng oras niya para sa family.

Hindi na siya seloso na at naging masipag siya at inspired, totoo at loyal, faithful, lahat na,” kuwento ng dalaga.Nakilala na raw niya ang pamilya ni Edgar at maayos daw siyang pinakikiharapan ng mga ito at gayun din ang pamilya niya sa binata.

Samantala, aware si Shaira Mae na may isang taong hindi siya gusto bilang girlfriend ni Edgar at wala naman daw siyang magagawa kung ayaw sa kanya nito for as long as hindi naman daw siya nakakasira sa work ng aktor at walang masama sa relasyon nila ay hindi na niya iniiisip pa.

Nabanggit pa na kinausap daw si Shaira Mae ng taong ito, “Pinuntahan po niya ako dati sa studio at tinanong kung bakit ko raw nila-like ‘yung pictures ni Edgar, ganyan-ganyan, career daw muna.

May respeto po ako maski na ayaw sa akin. Nag-usap po kami pero hindi na kami nag-usap ulit at nagkita naman kami sa storycon.”

Samantala, ang mga katangiang nagustuhan daw ni Shaira Mae kay Edgar ay ang pagiging sweet, faithful at loyal nito sa kanya, “Magalang po sa magulang ko at tapat siya na willing maghintay sa akin kasi bata pa ako (18 years old).

Pumupunta sa bahay, hindi ako itinatago at kaya akong panindigan, ipaglaban kahit kanino at masarap siyang magmahal.
At maski raw in love si Shaira kay Edgar ay hindi siya papayag na makipag-live in tulad sa mga nakaraang karelasyon ng aktor.

“Ay ,yun po ang nabago ko sa kanya, kailangan niyang maghintay at hindi lahat ng bagay ay makukuha niya ng ganu’n kadali, iba-iba rin naman ang personalidad ng tao, like ako, iba ako sa dati niyang girlfriend, kung pumayag siya sa ganun (live-in), ako hindi kasi bata pa ako.

“First time ko pong magkaroon ng karelasyon na older than me, so sabi ko po sa kanya, maghintay siya hangga’t kaya niya, so willing po siyang maghintay, so hindi naman ako natatakot kasi may tiwala ako sa kanya at hindi naman niya gagawin iyon kasi ayaw niyang sayangin ang tiwalang ibinibigay ng parents ko sa kanya,” paliwanag ng dalaga.

At nu’ng unang taong anibersaryo nila ay nag-dinner sila sa yate sa Manila Yatch Club, “May banner po na nakalagay na ‘happy annibersary’ at ‘I love you’.

Sobrang sweet niya po, wala na akong mahihiling pa sa effort niya,” masayang kuwento ng dalaga sa surprise sa kanya ni Edgar.
Apat na taong nanligaw si Edgar kay Shaira, “First time raw pong manligaw ni Edgar ng matagal, inamin niya sa akin ng ganu’n katagal.”

Samantala, si Mark Neumann ang ka-love team ni Shaira sa Confessions of A Torpe at aniya, “Nakakatawa nga po kasi ipinagbilin ako ni Edgar kay Mark na alagaan daw akong mabuti.” Hindi raw nagseselos si Edgar kay Mark dahil alam niyang trabaho lang ang ginagawa nila.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

In fairness, kung wala lang Edgar sa buhay ni Shaira Mae ay bagay din sila ni Mark.

( Photo credit to E Santiago )

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending