Dyowa ni Iza selos na selos kay Jhong Hilario? | Bandera

Dyowa ni Iza selos na selos kay Jhong Hilario?

Ervin Santiago - March 02, 2014 - 03:00 AM


TOTOO bang pinagseselosan ng boyfriend ni Iza Calzado si Jhong Hilario? E, kasi nga, biglang nabuo ang loveteam ng dalawa sa noontime show ng ABS-CBN na It’s Showtime.

Tinutuksu-tukso ngayon ng kanilang mga kasamahan sa programa sina Jhong at Iza, at iyan nga ang dahilan kung bakit nabuo ang tambalang JhoZa. At mukhang game na game naman ang dalawang host sa pagli-link sa kanila.

Sa interview ng ABS-CBN kay Iza, natanong ang aktres-TV host kung ano ang reaksiyon niya sa “loveteam” nila ni Jhong, “Nakakaloka talaga. Wala. What can I say? Alangan naman I say thank you pero nakakatuwa, yun na lang yun.”

Sey pa ni Iza, totoong napag-uusapan nila ng kanyang foreigner boyfriend na si Ben Wintle ang tungkol dito, “Sinabi ko sa kanya, kwinento ko sa kanya kasi tanong niya, ‘Did you have fun on the show?’ Ganyan yan, ganun ang mga tanong niya sa akin. Tapos sinabi ko sa kanya there is a new love team, I said.

“He said ‘Oh really, what’s it about? Okay good.’ Deadma siya talaga, walang alam eh. Hindi naman kasi hindi nanonood, laging nasa office. Selos? Diyos ko, wala ngang kabahid-bahid ng selos, wala.

Sana magselos kahit minsan,” chika pa ng co-host ng Showtime. Pero binawi rin ito agad ng dalaga, “Hindi, joke lang. Huwag natin bigyan ng rason para magselos yun, fun lang.”

In fairness, maganda naman ang pagtanggap ng mga manonood ng noontime show ng Dos kay Iza, posible kayang maging mainstay na siya rito?

“Hindi ko naman masasabing permanent, who knows. But for now I have been given the opportunity and the task also to fill in kung meron mang mga host na wala kasi busy din sila. Vice (Ganda) is in the States, Anne’s (Curtis) doing Dyesebel and Karylle’s going to get married.

So for a number of weeks siguro or for months siguro, kailangan nila ng host at isa rin itong magandang pagkakataon para sa akin para maipakita ko din yung isang side ko na hindi masyadong seryoso.

“Kasi kapag nakikita tayo ng ating mga kapamilya, kapag napapanood nila ako laging serious, feeling nga ng iba masungit ako. Pero seriously, hindi lang yun e.

“Ever since in the past 12 years in the industry, I have been doing really heavy dramatic roles, they have never seen me in a more relaxed atmosphere and to be able to be myself so this is a wonderful opportunity for me para nga ipakita yung kakulitan ko.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kasi minsan sa totoong buhay makulit talaga ako,” pahayag pa ni Iza sa nasabing interview. Pero siyempre, kapag daw sinabihan siya ng management na magiging permanente na siyang host ng Showtime, “Of course, why not? Pero bahala na si God at ang mga boss natin sa network kasi nasa kanila naman at nasa madlang people din.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending