Osang nagwala sa galit, inupakan sa Facebook sina Sen. Bong at Lani | Bandera

Osang nagwala sa galit, inupakan sa Facebook sina Sen. Bong at Lani

Cristy Fermin - February 21, 2014 - 03:00 AM

ROSAANA ROCES AT BONG REVILLA

Galit na galit na naman sa mundo si Rosanna Roces. Wala na ngang balita tungkol sa kanyang karera, pero nang umeksena siya, matinding galit pa sa mundo ang pinalutang niya.

Kumalat ang kuwento nu’ng nakaraang linggo na nabasyo at nahuli ng mga ahente ng PDEA si Osang at ang kanyang mga kaibigan, sinulat namin ang balita, pero bago ang paglalabas sa impormasyon ay tinanong muna namin ang aktres kung gaano katotoo ‘yun sa pamamagitan ng pagte-text at pagtawag sa kanya. Hindi siya sumasagot, deadma lang siya, kaya inilabas namin ang kuwento.

Nang lumabas ang balita ay inupakan niya kami sa kanyang FB, hindi raw totoong nahuli-nakulong siya, pero ang nakapagtataka ay bigla niyang kinaladkad ang pangalan nina Senador Bong Revilla at Congresswoman Lani Mercado sa isyu.

Matitindi ang mga binitiwan niyang paghusga sa pamilya, parang wala nang bukas pa sa mga upak ni Osang, samantalang wala namang kinalaman ang mag-asawang politiko sa kontrobersiyang kinasasangkutan niya.

Isa lang ang gusto naming sabihin ni Osang – “Hindi ako nagda-drugs, kaya bakit ako huhulihin at ikukulong?” Yun lang. Tapos na ang kuwento.

Ilalabas din namin ang kanyang panig tungkol sa kumalat na baltia.

Abalang-abala si Osang sa pag-upak sa amin ngayon, pati na sa pamilya ng senador at ng kongresista, isang senyal na napakarami niyang bakanteng panahon ngayon.

Nakapanghihinayang ang kinahinatnan ng buhay at karera ni Rosanna Roces, hawak na niya ang magandang suwerte sa kanyang mga kamay pero pinakawalan pa niya, hindi niya inalagaan ang mga biyayang ipinagkaloob sa kanya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending