Carla, Camille, Denise inatake sa ‘Third Eye’ | Bandera

Carla, Camille, Denise inatake sa ‘Third Eye’

Ervin Santiago - February 15, 2014 - 03:00 AM


Sanib-puwersa ang tatlong magagaling na aktres na sina Carla Abellana, Camille Prats at Denise Laurel na maghahatid ng takot at walang humpay na sigawan sa buwena-manong handog ng Regal Films  sa Feb. 26, ang “Third Eye.”

Gaya ng de kalidad na horror movie na gawa ng kumpanya ng mag-inang Mother Lily at Roselle Monteverde, binusisi, pinagbuti at non-stop ang kahindik-hindik na mga tagpo sa “Third Eye.”

“After ng success ng ‘Pagpag,” gusto namin ng mas nakakatakot pang pelikula at inilagay namin ‘yon sa ‘Third Eye.’ Tradisyon na kasi ng Regal na ibigay sa manonood ang gusto nila na tumitili at kinakabog ang dibdib sa simula hanggang ending ng movie.

Modesty aside, matitikman nila ‘yan sa ‘Third Eye.’ Ako na sanay na sa horror movies, natakot pa, ganyan din ang mararamdam nila once panoorin nila ang movie!” pahayag ni Mother Lily.

Tungkol sa isang babae na may tinatawag na “third eye” ang kuwento ng movie na ginampanan ni Carla. Nagdulot ito ng matinding trauma nu’ng bata pa siya kaya naman “isinara” ito ng lola niyang ginampanan ni Boots Anson Roa.

Subalit binigyan siya ng babala na muling magbubukas ‘yon sa panahong mahina ang kanyang loob. Si Ejay Falcon ang lalabas na asawa ni Carla sa movie. Palibhasa walang silang anak, pinatulan niya si Denis Laurel na kanyang nabuntis.

Sanhi ng galit dala ng matinding selos, kinumpronta niya ang asawa’t kalaguyo. Subalit hindi inakala ng babae na ang pakikipaglaban niya sa karapatan niya bilang asawa ay magbibigay ng daan sa mas mabigat na kalaban sa katauhan nina Camille at asawang si Alex Medina na uhaw sa laman at dugo ng tao!

Sa totoo lang, dala ng nakakakilabot  na konsepto ng pelikula, hindi itinanggi nina Carla, Camille at Denise ang karanasan nilang matakot habang ginagawa ang movie.

Although alam nilang production design lang ang mga bagong creatures na mapapanood sa movie, nakaramdam din sila ng nerbyos at takot sa set ng movie.

“I did an episode for ‘Shake, Rattle & Roll,’ at natakot din ako. Pero hindi ko akalain na nenerbyusin ako sa gagawin kong scenes. Eerie ang feeling namin sa location at ‘yung mga sigaw ko, totoo ‘yon! Hindi arte lang!” pahayag ni Carla.

Humanda nang alamin ang hiwagang nakapaloob sa pelikulang “Third Eye” na mula sa direksyon ni Aloy Adlawan.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

( Photo credit to E Santiago )

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending