‘May Lani na siya, may Dong ako!’
FOR the very first time ay naintebryu namin ang prime star ng GMA 7 na si Marian Rivera sa pocket presscon ng pinag-uusapang biggest budgeted movie entry sa 2011 Metro Manila Film Festival na “Panday” ni Sen. Bong Revilla.
Naging magaan at masaya naman ang naging takbo ng pakikipagchikahan namin kay Marian.
Una, binati namin si Marian being on the top 10 list ng sexiest stars of the past decade sa The Buzz Magasin Special Edition 100 Pasabog! Kasama ni Marian sa list sina Angel Locsin, Anne Curtis, Derek Ramsay, Piolo Pascual, Sam Milby, Cristine Reyes at ang real-life boyfriend niya na si Dingdong Dantes.
“Siyempre sa bawat tao na naa-appreciate ka, e, something ‘yun sa sarili mo. Proud ka at masaya kami,” nakangiting sabi ni Marian.
Magsasalpukan sa MMFF this December ang movie nila ni Sen. Bong na “Panday” sa movie nina Dingdong at Kris Aquino na “Segunda Mano.” Pero para kay Marian it’s a healthy competition.
“Dahil dito naman makikita ang galing ng Pilipino sa paggawa ng pelikula. Hindi naman ako gumawa at gumawa siya para maglaban kaming dalawa. Nagkataon lang po siguro,” sambit ni Marian.
Proud naman siya na nakatrabaho niya si Sen. Bong sa “Panday.” And definitely, walang selosang nangyari between her real boyfriend na si Dingdong at leading man niya na si Sen. Bong.
“Wala na, dyusko day. Huwag nang magseselos. Ano ba? May Lani naman siya, may Dong naman ako. At napakaganda po ng ‘Panday,’” diin niya.
Matinik daw kasi sa tsiks si Sen. Bong. Pero naniniwala naman si Marian na nasa babae raw ‘yun kung magpapadala siya. Hindi na rin daw niya kailangang mag-self-control kasi wala naman daw dahilan.
“Isa ‘yan sa mga rason kung bakit ako proud sa kanya (Sen. Bong) kasi malaki ang respeto niya sa mga babae at hindi lang sa akin kundi sa lahat ng taong nakakatrabaho niya,” papuri niya kay Sen. Bong.
Ginulat naman kami ni Marian nu’ng sinabi niya na naibigay na niya kay Dingdong ang kanyang Christmas gift, “Ganu’n ako, e. Kapag may nakita ako na isang bagay, binibili ko na. Hindi ko na pinapatagal. Binibigay ko na.”
Ayaw sabihin ni Marian kung ano at saan niya binili ang Christmas gift niya this year kay Dingdong. Pero duda namin isang mamahalin ang regalo ni Marian kay Dingdong, “Hindi naman masyado, sapat lang.”
So far, hindi pa nakakapagbigay si Dingdong ng kanyang Christmas gift for Marian. Pero ayon naman kay Marian ‘di kailangan ng okasyon para makatanggap siya ng gift from Dong. Kahit daw walang okasyon madalas siyang bigyan ng regalo ni Dingdong.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.