Demonyong BF | Bandera

Demonyong BF

Joseph Greenfield - January 30, 2014 - 02:10 PM

Sulat mula kay Tess ng Barangay Lilingayon, Valencia City
Dear Sir Greenfield,
Nabuntis ako ng aking boyfriend.  Malaki ang problema ko dahil hindi pala niya ako pakakasalan.  Ang akala ko ay pakakasalan niya ako.  Nang mabuntis na ako, inamin niya sa may asawa siya at may pamilyang binubuhay.  Ngayon ko lang nalaman na demonyo pala ang boyfriend ko dahil ang gusto niya ay ipalaglag ko ang bata.  Nanindigan ako at hindi ako pumayag sa gusto niya.  Ang sabi ng boyfriend ko ay uuwi muna siya sa kanyang probinsiya at kakausapin niya ang kanyang asawa.  Ang sabi ng sinungaling na boyfriend ko ay hihiwalayan na raw niya ang kanyang asawa para kami na ang magsama.  Gagawin kaya niya ito?  Paano kung hindi na siya bumalik?
Umaasa,
Tess ng Barangay Lilingayon, Valencia City
Solusyon/Analysis:
Palmistry:
Walang mangyayari sa kasalukuyang relasyon. Ito ang nais ipahiwatig ng dalawang namataang Marriage Line (Illustration 1. arrow 1. at 2.) sa iyong palad. Tanda na dalawang beses kang “makapag-aasawa” o magkakaroon ng seryosong relasyon, ang una ay mawawala at hindi mananaig, ito ang kasalukuyan mong boyfriend (arrow 1.), habang ang ikalawa na paparating pa lang ang mananatili at magiging panghabambuhay na (arrow 2.).
Cartomancy:
Ten of Hearts, Queen of Spades, at King of Hearts ang lumabas (Illustration 1.). Ang mga baraha ang nagsasabing sa unang pag-ibig at pakikipag-relasyon may matinding kalungkutan at pagtatalusira na mararanasan, ngunit sa ikalawang relasyon na paparating palamang may isang maligaya at pang habang buhay ng pag-ibig na mararanasan.   Itutuloy

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending