Bong Suntay, Ferdie Topacio inisyuhan ng show-cause order ng Korte Suprema

NAGLABAS ng show cause order ang Korte Suprema para kina Quezon City 4th District Rep. Bong Suntay at Atty. Ferdinand Topacio kaugnay sa mga naging mahalay na pahayag nila sa magkapatid na sina Anne Curtis at Jasmine Curtis.
Sa Facebook post ni Jesus Falcis nitong Miyerkules, July 8, mababasa ang resolusyon ng Supreme Court kung saan iniutis ang show cause order para sa dalawa.
“Representative Suntay and Atty. Topacio are ordered to SHOW CAUSE why they should not be meted the ultimate penalty of disbarment by filing with the Court their respective comments within a NON-EXTENDIBLE period of 10 days from receipt of this Resolution,” saad ng Supreme Court.
Layunin ng show cause ordee na pagpaliwanagin ang dalawa upang hindi mapatawan ng disbarment.
Baka Bet Mo: Bong Suntay kinastigo, inutusang mag-public apology kay Anne Curtis
View this post on Instagram
Inutusan rin ng Korte Suprema ang Office of the Bar Confidant na mag-submit ng updated list ng mga nakabinbing administrative case laban kina Suntay at Topacio sa loob din ng 10 araw, habang inatasan naman ang Integrated Bar of the Philippines (IBP) na magsumite ng status report.
Matatandaang naging usap-usapan ang kontrobersyal na pahayag ng Quezon City 4th District Congressman sa pagdinig ng House Committee on Justice kaugnay ng impeachment complaint laban kay Vice President Sara Duterte noong March 3 patungkol sa aktres.
“Minsan nasa Shangri-La ako, nakita ko si Anne Curtis. Ang ganda-ganda pala niya. You know, may desire sa loob ko na nag-init talaga, at na-imagine ko na lang kung ano ang puwedeng mangyari. Pero siyempre hanggang imagination lang ’yon,” sey Suntay sa pagdinig.
Agad ngang nag-trending ito at umani ng samu’t-saring reaksyon mula sa netizens.
Nanggigil naman ang madla sa pahayag ni Topacio sa kanyang radio program na “Yes… Yes… Yo! Topoacio” kung saan tila ipinagtanggol niya si Suntay at sinabing hindi naman daw kasalanan ang kahit anong iniisip ng isang lalaki na panghahalay o gahasain ang isang babae.
“Kayong mga artista, mga ganyan, ikaw, Jasmine, bakit ka nagpo-post ng bikini pictures mo sa social media, sa mga pahayagan—hindi ba para ikaw ay pagnasahan, para ikaw ay sumikat?” sey ni Topacio.
Kasunod nito ay ang kanyang pahayag na pinagnasaan umano noya si Gabriela Women’s Partylist Rep. Sarah Elago matapos maamoy ito.
Habang sinusulat ito, wala pa namang inilalabas na pahayag sina Suntay at Topacio kaugnay rito.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.
