Sa taon ng kabayo: NBI, Supreme Court masusunog | Bandera

Sa taon ng kabayo: NBI, Supreme Court masusunog

Joseph Greenfield - January 07, 2014 - 08:18 PM

Ikalawang serye

DAHIL apoy ang fixed element ng Kabayo, sa pagpasok ng Unang Hati ng taon, simula Enero hanggang Marso, sa mga petsang 3, 4, 13, 17 at 21, sa araw ng Biyernes, Sabado, Lunes at Martes, malalaking sunog ang mararanasan.

Lalamunin ng apoy ang matataas na gusali sa business district sa Makati, Maynila at Pasay, at pangunahing mga pamilihan sa Divisoria, Quiapo, Parañaque, Valenzuela at Navotas.

Bukod sa matataong lungsod, ang mga gusaling pag-aari ng pamahalaan ay hindi makaliligtas. Sa nabanggit ng mga buwan, sa mga petsang 2, 11, 22, at 26, sa araw ng Miyerkules, Huwebes at Biyernes,  ang National Library ay muling masusunog, ang tanggapan ng NBI, City Hall ng Maynila at Supreme Court ay muling matutupok ng nagngangalit na apoy.

Walang anumang dokumentong maliligtas sa nasabing napakalaking sunog, na sisira ng maraming ari-arian at kikitil ng libu-libong buhay.

Sa himpapawid at karagatan, maraming eroplano at barko ang biglang masusunog at magbabanggaan sa hindi malamang dahilan, na ikasasawi ng libu-libong pasahero.

Magaganap sa mga buwan ng Marso hanggang Mayo, sa mga petsang 9, 12, 13, 15 at 26, sa araw ng Linggo, Lunes at Martes.
Sa mga buwan ng Abril hanggang Hulyo, sa mga petsang 7, 9, 18, 25, at 30, sa araw ng Miyerkules, Huwebes at BIyernes, patuloy na mananalasa ang Kabayong nag-aapoy sa galit, biglang mag-aalburoto at puputok ang pangunahing mga bulkan, lalo na ang dating natutulog.

Kabilang dito ang bundok ng Arayat sa Pampanga, ang bundok Makiling sa Laguna, ang bundok Banahaw sa Quezon at ang iba pang mga bundok sa nasabing mga lalawigan ay kakikitaan ng pagiging aktibo at manaka-nakang pagsabog.

Habang nagaganap ang pagsabog ng nagising nga mga bulkan, sasabay na uusok ang bulkang Mayon sa Bicol, ang bulkang Taal sa Batangas, bulkang Bulusan sa Sorsogon, Hibok-hibok sa Camiguin, at ang Kanlaon sa Negros.

Kasabay ng delubyo sa apoy at sa kalaliman ng lupa, isang napakalakas na lindol ang mararamdaman sa Metro Manila at buong Central at Northern Luzon.  Mabibiyak ang mga kalsada at pangunahing lansangan.

Matatabunan ang maraming mga bahay, aahon ang napakataas na tubig sa dagat. Unang lalamunin ng tubig ang paligid ng MOA sa Pasay,  Ocean Park at ang iba pang naggagandahang istraktura sa Roxas blvd.

Maraming buhay ang masasawi, sapagkat ang napakalakas na lindol ay magaganap sa kalagitanaan ng madaling araw habang mahimbing na natutulog ang mga tao.

Mangyayari sa mga buwan ng Agosto hanggang Setyembre, sa mga petsang 3, 4, 12, 13, 28, sa araw ng Lunes, Martes at Huwebes.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Itutuloy

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending