Sulat mula kay Shela ng Oton, Iloilo
Dear Sir Greenfield,
Nabuntis ako ng textmate ko. Nagkakilala kami sa text at di nagtagal ay pumayag akong makipag-eyeball sa kanya. Sa ikalawang eyeball ay niyaya niya ako sa pribadong lugar at sumama naman ako. Naganap ang di dapat maganap at hindi ko rin maipaliwanag kung bakit pumayag ako at sumama sa kanya. Ang sabi niya ay binata siya. Pero, nadiskubre ko na may asawa na pala siya. Bukod dito ay may mga anak pa. Nang ibalita ko sa kanya na buntis na ako ay naglaho na lamang siya na parang bula. Nang sabihin ko sa kanya na buntis na ako ay agad siyang nagpaalam at sinabing maghahanap siya ng pera para makabili ng gamit ng bata. Hindi na siya nagbalik. Susustentuhan kaya niya ang bata? Ano ang mangyayari sa buhay ko kapag naging dalagang ina ako?
Umaasa,
Shela ng Oton, Iloilo
Solusyon/Analysis:
Palmistry:
May dalawang Marriage Line (Illustration 1. arrow 1. at 2.) sa iyong palad. Isang magulo, na pangit at nabiyak (arrow 1.) at isang maayos at magandang Marriage Line (arrow 2.). Ibig sabihin kung minalas ka sa unang pag-ibig, tiyak na sa ikalawang pakikipag-relasyon susuwertehin at papalarin ka na. Kaya ang masasabi ko lang sa iyo, darating din ang pusong magmamahal sa iyo nang lubos.
Cartomancy:
Okey lang na mawala ang mga walang kwentang lalaki sa buhay ng babae, dahil ayon sa mga barahang Jack of Diamonds, Queen of Diamonds at Eight of Hearts (Illustration 1.), ‘wag mo nang isiping babalik pa siya, dahil may bagong lalaking darating na mas higit pa sa kanya, mas may kaya sa buhay, tapat at panghabambuhay na.
Itutuloy….
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.