Sa pagkatalo ni KC kay Maricel bilang best actress sa MMFF: ‘Ano ‘to lokohan?’ | Bandera

Sa pagkatalo ni KC kay Maricel bilang best actress sa MMFF: ‘Ano ‘to lokohan?’

Cristy Fermin - December 29, 2013 - 03:00 AM


Hindi kasalanan ni Maricel Soriano ang pananalo niya bilang best actress ng MMFF, ang mga hurado ang may pananagutan du’n, pero ang aktres ang napupuruhan ngayon dahil sa pagkatalo ni KC Concepcion na sinasabing napakahusay sa pelikula nila ni Governor ER Ejercito.

Kahapon nang umaga ay nakausap namin sa telepono ang kaibigan naming propesor na todo ang pagtutok sa lokal na aliwan. Sinabi nito na walang nakalusot na entry sa kanya, lahat ng lahok sa MMFF ay natutukan ng aming kausap, kaya naiinis ito kung bakit tinalo ni Maricel si KC.

“Alam mo na ayoko kay KC, parang mommy rin niya, ayoko kay Sharon Cuneta. But she gave her all in ‘Boy Golden’, it’s a very different KC in that movie, ang galing-galing ng acting niya du’n!

“E, ano pa ba naman ang bago kay Maricel, meron pa ba? What’s so special in her role that gave her the best actress trophy? Napakaliit ng role niya, saka hindi mo siya seseryosohin, best actress na ‘yun?

“Nakakaloka ang mga jurors ng MMFF, every year na lang, may mga poor choices sila. Full length ang role ni KC, ang galing-galing niya, pero ang naging best actress, e, ang kumakatsang-katsang lang na si Maricel?

Ano ito, lokohan?” naiinis pang kuwento ng kaibigan naming propesor. Rated A ang pelikula ni Governor ER, kapareho lang ng pelikula ng nanalong best actor na si Robin Padilla, kaya ang kanyang komento, “Konsuwelo de bobo, binigyan naman ang ‘Boy Golden’ ng best float award.

Talagang lokohan na ito! Nakakainis! Palagi na lang ganyan!” MMFF ang sangkot sa kuwento, di ba? Bagggoooo???

( Photo credit to Google )

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending