KADALASANG hindi pinagbibigyan ng ABS-CBN actress na si Maricar Reyes ang mga sit-down interview matapos ang sex video scandal na kumalat sa publiko.
Sa halip na gamitin ang kontrobersya sa kanilang advantage, si Maricar at ang kanyang handlers ay nagtikom ng kanilang bibig. Ito naman ang nagbigay daan sa enigma persona ni Maricar.
Pero para sa ikatlong anibersaryo ng Look magazine, pumayag si Maricar sa isang one-on-one interview.
Nang tanungin kung ano ang natutunan niyang aral sa life-altering scandals, sagot ni Maricar: “It’s best to know who you are… stick to it… and listen to your manager.”
Sinabi ni Maricar na hindi siya isang hothouse flower. “I ate fish balls sold on the streets and commuted around the city, riding the FX and MRT,” gunita ni Maricar ng siya ay nasa kolehiyo pa bilang isang medicine student.
Sa kabila ng kanyang Dresden doll/drama queen image cultivated na binuo ng kanyang manager sinabi ng aktres na siya ay isang ordinaryong tao lamang. “I can be shy, but I’m really jolly. If you get to know me better, you’d see that I laugh a lot.”
Kapag hindi siya abala sa mga taping at movie shoots, madalas umanong kasama niya ang kanyang mga non-celebrity friends—mga tao na nakilala niya bago pa siya pumasok sa showbiz.
“My friends have normal jobs,” ani Maricar. “They work in offices and call centers. Some are teachers.”
“They are not used to seeing me with makeup on. They make fun of me when I’m all dolled up,” saad ng aktres na ngayon ay ang bagong endorser ng San San cosmetics.
Kasama siya ng kanyang mga kaibigan na sumusuporta sa Right Start, isang after-school advocacy campaign para sa mga bata.
“It’s education-based,” aniya. “To start it off, we had a feeding program. We also introduced music and arts to the kids.”
Inilungsad nila ang proyekto noong Hulyo sa San Juan. “Instead of just playing games or eating junk food, we want to acquaint children with productive after-school activities and healthy meals.”
Malambot umano ang kanyang puso pagdating sa mga bata. Hindi umano magiging matagumpay ang proyekto kung hindi dahil sa kanyang mga kaibigan.
Ang Look magazine ay inilalathala ng Hinge Inquirer Publications.
—Inquirer
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.