Charice handang makipagbasagan ng mukha para kay Alyssa | Bandera

Charice handang makipagbasagan ng mukha para kay Alyssa

Ervin Santiago - December 09, 2013 - 03:00 AM


Kung hindi lang daw siya pinipigilan ni Alyssa Quijano malamang marami nang nakaaway na bashers si Charice na walang tigil na nang-aalipusta sa kanilang relasyon.

Sey ng international singer, hanggang ngayon daw kasi ay patuloy pa rin silang dyinq-judge ng mga taong hindi matanggap ang pagmamahalan nila ni Alyssa.

Ayon ka Charice, kung siya lang daw ang tinitira ng mga tao ay okay lang sa kanya pero kapag ang karelasyon na niyang si Alyssa ang binabalasubas ay talagang nag-iinit ang ulo niya.

“Ako kasi kapag sa sarili ko kaya ko pang i-deal e pero kapag nakikita ko na may negative sa kanya nagagalit talaga ako at nakita niya kung paano ako magalit pinipigilan niya lang ako,” sey ng singer.

Feeling namin, handang makipagsuntukan at makipagbasagan ng mukha si Charice maipagtanggol lang niya si Alyssa sa mga nang-aapi rito, at yan ang tinatawag na true love, di ba?

Yung handa kang ibigay ang buhay mo sa taong minamahal mo.Samantala, kahit hindi aminin ni Charice, ramdam na niya ang pressure ng paglagay nila sa tahimik ni Alyssa, halos lahat kasi ng tao sa paligid nila ay laging kasal ang tinatanong sa kanila, kaya aniya, “Diyos ko naman ang aga-aga pa.

Walang plans pero I definitely see her in my future pero ayaw ko magsalita.” Sa darating na Pasko, magkasama silang magno-Noche Buena ni Alyssa sa bago nilang bahay, kaya pareho silang excited sa pagdating ng Christmas, “Hindi naman kami aalis ng Pinas.

Dito lang po ako, chill lang with my second family,” chika pa ni Charice.

( Photo credit to INS )

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending