Motor valve clearance
Batay sa kuwento ng Texter na ……..4676, ng Brgy. Banonong, Dapitan City, ang problema ng kanyang motorsiklo ay valve clearance.
Wala dapat malakas na ingay na naririnig sa kanyang 125 motorcycle na isang Japanese model, ang ating texter kung tama ang kanyang valve clearance.
Isa ito sa mga bagay na dapat umanong sinusuri at tinitiyak na nasa ayos. Kung pababayaan, ang ingay ay mauuwi sa pagkasira ng makina. Masisira ang valve na mauuwi sa pagkapos ng hatak ng makina.
Ang iba ay tinatawag itong engine lose compression na kung magtatagal at pababayaan ay maaaring mauwi sa partial o complete overhaul.
Ang maluwag na valve clearance ay nagreresulta sa maingay na makina. Kung wala namang clearance o mahigpit ang valve, magreresulta naman ito sa pagkasira ng makina.
Ang valve clearance ay kalimitang tinitingnan kapag malamig ang makina. Kapag mainit na kasi ang makina maaaring maling valve clearance ang makuha.
Maaaring ma-adjust ang valve sa pamamagitan ng paglalagay ng feeler gauge sa pagitan ng adjusting screw at valve stem.
Ang normal na valve clearance ay 0.05 milimetro sa pagitan ng intake at exhaust.
Meron namang mga modelo na 0.002 ang clearance. Walang masama kung uugaliing suriin ang valve clearance upang hindi masira ang makina.
Ang pagtingin sa valve clearance ay ginagawa kapag sumailalim ang motorsiklo sa tune-up. Bukod sa mas tahimik na makina at mahinang panginginig, ang tamang valve ay titiyak ng swabeng biyahe.
MOTORISTA
Suspension
MARAMI po akong tanong tungkol sa front suspension. Para sa akin, very vital part ito sa pagmamaneho bilang rider. Paano ba mag-set ng soft tension para sa telescopic suspension, at conversion? Suzuki Thunder ang motor ko at nahihirapan na akong i-bank ito.
Julius, QC (…9910)
BANDERA
MASELANG ang Suzuki Thunder pagdating sa front suspension. Palitan mo na lang ito mula sa kanila at sabihin ang model year. Karamihan sa converted suspension ay customized. Sa kaso ng Thunder, maaaring may replacement suspension pero hindi na ito original. May peligro ang banking kapag hindi gaanong naglalaro ang suspension nang sapat.
MAY reklamo ka ba sa E-10 gasoline, peke at substandard na piyesa, at ilang bagay hinggil sa fuel, lubricants, motor, atbp? I-text sa 0917-8446769
Classifieds Motor
INSURANCE
0936-3602081
HONDA Wave-S 125 25K 0947-2870144
PARA sa inyong mga riders, mechanics, motorcycle salesmen, parts distributor at insurance companies ang Bandera Motor Section Classifieds.
Puwede ninyong i-text ang inyong ibinebentang motor sa BMS Classifieds at libre ito (one liner lamang). Halimbawa: YAM Mio P40 (cell phone number). Kung gusto ninyong makipagpalit, text: SWAP XRM 2010 (cell phone number).
Kung gusto ninyong i-text ang inyong serbisyo, i-text: MECHANIC Sam (cell phone number). VINTAGE bike (cell phone number). PARTS (cell phone number). INSURANCE (cell phone number). I-text ang mga ito sa 0917-8446769
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.