Sino ang dapat maglakad ng benepisyo sa PVAO?
GREETINGS of peace and solidarity!
Magandang araw po nais ko lang magpatulong sa inyo tungkol sa claim ng dalawang matanda na living spouse ng namayapa nilang mga beteranong asawa.
Ito po ang mga sumusunod:
1. Madangkong Macasasa Kanda, claimant # OW 92-001289
2. Guimbo Pangagilan claimant # Ow-90-000572
Tatlong beses na po akong pabalik-balik sa PVAO, dalawang beses noong 2012 habang isang beses ngayong Oct, 2013.
Sa claim division po ako nagpunta upang itanong kung ano na ang mga status ng mga papers.
Hinanapan po ako ng SPA.
Napag-alaman ko po na noong pumunta ako ngayong Oct, 2013 ay babayaran na raw po ang mga living spouses na naka masterlist na po pero hanggang ngayon ay wala pa.
Minsan nasasabi ko na hindi pantay pantay ang turing nila sa mga living spouses ng mga beterano.
Kaya sa inyo po kami lumapit at magpatulong kung ano ang makakabuti sa dalawang matanda.
Bilang masugid na mambabasa ng inyong column, Aksyon Line, sana ay matulungan ninyo ako sa madaling panahon lalo’t sakitin na sila at mahina na. Our prayer that this request letter of ours will be given appropriate action.
Magandang araw at salamat.
Gumagalang,
Mr. Khosare A.
Mamasabulod
Atty-in fact for the claimant
REPLY: Sir,
Pursuant to the confidentiality of claims-related info, especially financial information, please be informed that we cannot just divulge information to anyone without the benefit of documents that could prove relationship to subject claimants.
May we know how is the letter sender related to the subject veterans / claimants?
Aming binibigyang daan ang liham na ito mula sa isang natulungan ng Aksyon Line.
Maraming salamat, Ma. Magdalena Banta.
Dear Aksyon Line:
LUBOS po akong nagpapasalamat sa tulong n’yo sa akin para maka “avail” ako ng required early retirement upang ako’y makatanggap ng monthly pension pag retire ko.
Kung di po siguro ako humingi ng tulong sa inyo ay baka mahihirapan o di kaya makakamit ang benepisyong ito ng GSIS kapag wala na ako sa serbisyo. Sunod-sunod po ang natanggap kong tawag na sinasabi na OK na raw at di na ako dapat mag “worry” in the future.
Again maraming-maraming salamat po
sa inyo….
Mabuhay po kayo!!!.
Ma. Magdalena
Banta.
Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapag- lingkuran sa abot ng aming makakaya.
Kaya naman huwag kayong mag-atubiling sumulat sa Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola St. cor. Pasong Tirad st., Makati City.
Maaari rin kayong mag-email sa [email protected] or [email protected] Serbisyo publiko sa AKSYON LINE. Kakampi mo! Maaasahan!
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.