‘Batman Forever’, ‘Top Gun’ star Val Kilmer pumanaw na sa edad 65

Val Kilmer
PUMANAW na ang Hollywood star na si Val Kilmer matapos tamaan ng pneumonia sa Los Angles, California. Siya ay 65 years old.
Ayon sa kanyang anak na si Mercedes, nagluluksa ngayon ang kanilang pamilya dahil sa pagkawala ng kanyang ama ngunit wala na itong ibinigay na iba pang karagdagang detalye.
Matatandaang na-diagnose si Val Kilmer na nakilala sa kanyang role sa “Batman Forever” ng throat cancer noong 2014 at naka-recover ilang taon ang lumipas.
Bukod sa pagganap bilang Bruce Wayne sa “Batman Forever” noong 1995, nakilala si Kilmer sa kanyang character sa 1991 biopic na “The Doors.”
View this post on Instagram
Huli siyang napanood noong 2022 sa pelikulang “Top Gun: Maverick,” pero hindi na siya makapagsalita matapos masira ang vocal chords niya dahil sa isinagawa sa kanyang trachea procedure.
Bumida rin si Kilmer sa marami pang Hollywood movie tulad ng “Top Gun,” “Real Genius,” “Willow,” “Heat,” at “The Saint.”
Inilabas naman noong 2021 ang documentary tungkol sa kanyang buhay na “Val.” Ang kanyang anak na lalaki ang nagbigay ng boses sa nasabing docu film.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.