Bato binoldyak sa planong pagtatago: ‘Manlaban ka kung ayaw sumuko’

Bato dela Rosa at Rodrigo Duterte
INULAN ng batikos at pang-ookray si Sen. Ronald “Bato” dela Rosa matapos niyang kumpirmahin ang plano niyang pagtatago sakaling arestuhin na rin siya ng International Criminal Court (ICC).
Ang unang desisyon kasi ni Sen. Bato ay samahan si dating Pangulong Rodrigo Duterte sa ICC detention facility sa The Hague, Netherlands pero nagbago na nga ito ngayon.
Aniya handa siyang makasama ang dating presidente sa kulungan kapag may arrest warrant na ring inilabas ang ICC laban sa kanya kaugnay ng pagpapatupad nila ng “war on drugs”.
“If all legal remedies are exhausted and still justice is to no avail, then I don’t want my family to suffer from cops looking for a heartbeat,” pahayag ni Bato sa isang social media post.
“I am ready to join the old man hoping that they would allow me to take care of him,” saad pa niya patungkol kay Duterte hinggil sa pag-aresto at pagkulong dito sa ICC detention facility sa The Hague dahil sa nagawa nitong “crimes against humanity.”
Pero aniya, matapos mapag-isipan na hindi siya sigurado kung makakasama niya si Duterte sa kulungan kung magpapaaresto siya.
“Paano ako makapag-demand ng time na para makasama doon o makiusap na pareho naman kaming detainee? Mukhang mahirap dahil nga sa experience ngayon nila doon, yung mga nandoon ngayon sa The Hague,” sey ng senador.
View this post on Instagram
Kaya naman inamin niyang totoong kino-consider niya ngayon ang magtago at huwag sumuko sa mga otoridad sakaling maglabas na rin ng arrest warrant laban sa kanya ang ICC.
“Well, kung wala tayong makita na hustisya dito sa ating bansa, bakit ka susuko? ‘Di ba? Kasama ‘yan sa kino-consider natin. Kasama ‘yan sa courses of action na puwedeng gawin,” sey ni Bato.
Kasunod nito, kaliwa’t kanang batikos ang inabot ng senador mula sa publiko. Narito ang mga reaksyon ng netizens sa official Facebook page ng BANDERA.
“Dati tapang2 mo hinahamon mo ICC ngaun tatago ka.”
“Kya pla nong panahon nu marami ang nanlaban at napatay dahil ayaw sumuko.”
“Sa icc ka sumuko hindi sa pilipinas na sa icc na kasu mo walq sa pilipinas kaya nga si dutae sa icc kinaauhan para may justice pag dito sa pilipinas binibili ang kasu ng mayayamang suspect ,fiba panahon nyu ni dutae wala ngang justice ngayun magtqka kapa walqng justice dito pinatay nyu mga adik at mga walqng sala basta nyu nalang pinatay ngayon may justice ba.”
“Nong kau nasa pwesto Meron din bang hustisya sa pilipinas..Akala ko ikaw c bato matapang na tao…iyakin karin Pala…puro ka lang ngaw2.”
“Manlaban ka kung ayaw mo sumuko.”
“Kung mag tago ka bato Sabihin mulang Open sisami para maka pasuk ka sa cueva.”
“Bato akala ko matapang ka.sabi mo kusa ka mag surender pag dumating ang warrant arrest mo..bat ngaun nag iba ang salita mo.”
“Kung wala kang ginawang kalokohan bakit ka matatakot, kahit saang korte pa ka litisin liltaw ang katotohanan. si de lima kinasuhan ninyo, hinarap niya ng buong tiwala na wala siyang kasalanan, malaya na siya, taas noo si de lima, ikaw buong ulo mo noo takot ka.”
“Wla nmn tlagang hustisya dito sa pilipinas. Mahal ng mga tao ung mga adik sa pinas.”
“Talawan kang kalbo ka,,,,Buti pa si fprrd matapang tunay na matapang kusa ngpahatid sa inyo icc.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.