Estudyanteng kinindap sa Taguig na-rescue na, konektado sa POGO
NA-RESCUE na ng mga otoridad ang 14-anyos na estudyante na kinidnap noong February 20 paglabas ng kanyang school sa Taguig City.
Nailigtas ng pinagsanib na pwersa ng Anti-Kidnapping Group ng National Capital Region Police Office at ng Armed Forces of the Philippines ang biktima Martes ng gabi.
Ayon sa ulat, inabandona ng mga kidnapper ang estudyante sa Macapagal Avenue, Parañaque City, nitong Martes ng gabi.
Kasalukuyan na raw nagpapagaling ang na-rescue na kidnap victim sa isang ospital na hindi na tinukoy ng pulisya.
Baka Bet Mo: 2 bulakbol na estudyante nagpanggap na kinidnap, kulang pamasahe pauwi
Naniniwala namam ang spokesperson ng PNP na si Police Col. Randulf Tuaño, na na-pressure ang mga suspek nang malamang natukoy na ng PNP at AFP ang kanilang kinaroroonan.
Base pa sa report ng PNP, isa sa mga iniimbestigahan nila ngayon ay ang anggulong konektado sa POGO ang pagkidnap sa biktima.
“Initially, ang isa sa miyembro ng pamilya ay dating involved sa business ng POGO kung saan ang pinag-usuapan po nila ay yung pagbabayad ng hindi mabayarang utang,” ang pahayag ni Tuaño.
“Base sa tinutumbok ng director ng AKG ito ay between Chinese at Chinese. Sa ngayon po, ongoing ang investigation,” aniya pa.
Samantala, sa naganap namang briefing sa Malacañang, nabanggit ni Interior Secretary Jonvic Remulla na naniniwala ang PNP na konektado sa POGO ang kaso.
Ito’y kasabay nga ng pagkumpirma ng otoridad na humingi ng ransom na $20 million ang mga kidnapper para sa pagpapalaya sa estudyante.
“We are definitely sure na ang sindikato na nasa likod ng kidnapping ay former operators ng POGO din,” ani Remulla.
Bukod dito, may mga impormasyon na rin ang PNP tungkol sa mga kidnapper mula sa ibanandonang sasakyan na iniwan sa Bulacan kung saan din natagpuan ang bangkay ng driver ng biktima.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.