Ang Bandang Shirley nag-disband na dahil sa isang isyu, anyare?
MALUNGKOT na balita ang inihatid ng Filipino pop rock band na “Ang Bandang Shirley” ang kanilang disbandment dahil sa isa sa kanilang member na si Ean Aguila.
Ngayong araw, February 19, ibinahagi nila sa kanilang Facebook page ang dahilan ng kanilang paghihiwalay.
Sey ng Ang Bandang Shirley, “This January, past allegations towards Ean resurfaced with new information, which has significantly affected the band and the members.
“Let it be known that we strongly do not condone his behavior, and we urged him to take full responsibility for his actions.”
Ayon pa sa Ang Bandang Shirley, gumawa na raw ng pahayag ang kanilang miyembro at tuluyan na ngang nag-quit sa kanilang grupo.
“He made a statement and eventually decided to quit the band. We support this decision, and we sincerely hope for the healing of all parties involved.”
Nagdesisyon na rin ang iba pang miyembro ng Ang Bandang Shirley na huwag nang magpatuloy bilng isang banda at ito na ang pagtatapos ng kanilang grupo.
“We thank you for all your support and for listening to our music throughout the years,” pagpapasalamat nila.
Sa ibaba ng pahayag ay makikita ang pangalan ng iba pang mga miyembro ng Ang Bandang Shirley na sina Debb, Paolo, Miggy at Kathy.
Matatandaang noong 2003 nang magsimula ang banda.
Ilan sa mga awitin nila ay ang “Theme Song” (2009), “Nakauwi Na” (2015), “Umaapaw” (2016), “Siberia” (2016), “Favorite” (2017), “Alam Mo Ba? (Ang Gulo)” (2018), at “Isip at Kamalayan” (2022).
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.