Ely sa tsismis tungkol sa ‘Spolarium’: I wouldn’t dream to tarnish my heroes

PHOTO: Instagram/@elybumbilya
Trigger Warning: Mentions of rape.
BILANG usap-usapan recently ang isyu tungkol sa yumaong Pepsi Paloma dahil sa upcoming film ng controversial director na si Darryl Yap, muling nabuhay ang “myth” sa likod ng hit song na “Spolarium” ng bandang Eraserheads.
Matagal nang nachichismis ang kanta na kung saan may mga nagsasabi na tungkol ito sa umano’y panggagahasa sa 1980s sexy star na si Pepsi.
Ayon pa nga sa ilang nakarinig nito, may ilang lyrics daw na tumutukoy sa nasabing rape case.
Nitong February 17, nagkaroon ng press conference si Ely Buendia para sa upcoming documentary film ng dating banda na ang title ay “Eraserheads: Combo on the Run” at diyan napag-usapan ang kanta.
Mariing nanindigan si Ely na walang kinalaman ang TVJ (Tito Sotto, Vic Sotto, Joey de Leon), pati si Pepsi sa “Spolarium.”
Pag-amin niya, “I was really heartbroken when that thing came out because I was such a huge fan of –they were my heroes. And I wouldn’t dream of writing a song to, you know, to tarnish my heroes.”
“So I think that’s the most ridiculous and real mean thing until today,” wika pa niya.
Huling giit niya, “That’s not about them, it’s not about Pepsi.”
Kung matatandaan, taong 2021 pa nang unang nilinaw ng dating lead vocalist ang kwento sa likod ng nasabing single.
Paliwanag pa nga niya noon, inuman at lasingan ang talagang ibig sabihin nito.
Sinabi rin niya na ang gintong alak na nabanggit sa kanta ay hango sa alak na Goldshläger.
Bukod dito, nabanggit din ng OPM hitmaker na ang mga pangalang “Enteng” at “Joey” sa “Spolarium” ay ang kanilang mga road manager.
Samantala, ang “Eraserheads: Combo On The Run” ay mapapanood na sa mga lokal na sinehan simula March 21 hanggang 23.
Ibabandera sa docu film ang makabuluhang paglalakbay ng banda na nagkawatak-watak, pero sila ay muling nagkasama sa entablado para sa isang makasaysayang reunion noong 2022.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.