Jellie Aw pormal nang naghain ng reklamo sa NBI laban kay Jam Ignacio

PHOTO: Facebook/Jellie Aw
PORMAL nang nagsampa ng reklamo ang club disc jockey at influena si Jellie Aw sa National Bureau of Investigation (NBI) laban kay Jam Ignacio.
Ito ay kaugnay sa ginawa nitong pananakit at pambubugbog umano sa kanya kamakailan habang sila ay nasa loob ng sasakyan.
Para sa mga hindi aware, si Jam ay ang dating boyfriend ni Karla Estrada na ngayon ay fiancee na ni Jellie.
Sa inilabas na ulat ng ABS-CBN News, tuluyan nang dumulog ang kilalang DJ sa NBI ngayong araw, February 14, para himingi ng tulong na makasuhan ang kasintahan.
Baka Bet Mo: Jellie Aw matapos bugbugin ni Jam Ignacio: ‘Kailangan ko muna magpahinga’
View this post on Instagram
Lahad ni Jellie, selos raw ang naging dahilan kung bakit umabot sa pananakit at pambubugbog ang kanilang relasyon.
Sobra at likas raw kasing seloso si Jam kaya nagkaroon sila ng hindi pagkakaunawaan.
“Sobrang seloso po kasi [ni Jam], kahit maliit na bagay lang talagang pinapalaki na. Kahit po sa work ko, kapag may kumakaway sa akin sa gig, nagagalit siya,” saad ni Jellie.
Muli nga niyang binalikan ang mga pangyayari nang saktan sita ni Jam sa loob ng sasakyan.
“Kinukuha niya yung buhok ko, tapos [inuuntog niya yung mukha ko] habang nagda-drive siya. Humahampas po ako sa salamin ng kotse.cMay parang dugo po sa loob [ng mata ko] tapos yung [baba po ng mata ko] medyo paputok na po, e, kasi medyo napuruhan,” dagdag pa ni Jellie.
Pumutok rin ang kanyang labi dahil sa pagtama ng kamao ni Jam sa kanya at pati ang kanyang ngipin ay nabasag.
Sa huli ay nagbigay naman ng mensahe si Jellie para kay Jam.
Aniya, sana raw ay magpakalalaki ito at panagunatan ang ginawa nito sa kanya.
“Ang message ko lang po sa kanya, madali lang naman magpatawad, e. Pero yung ginawa niya sa akin, hindi ko makakalimutan yon. Iba yung trauma e, ang hirap matulog. Lagi kong naaalala yung ginawa niya sa akin. So, gusto ko lang, Jam, harapin mo yung ginawa mo sa akin,” sey ni Jellie.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.