Sam Verzosa nagmartsa sa Kartilya ng Katipunan: Manila is not for sale!

Sam Verzosa
PINAGPAPALIWANAG ng TV host-entrepreneur na si Sam Verzosa ang mga opisyal ng local government ng Maynila tungkol sa pagbebenta umano ng mga ari-arian ng lungsod.
Nagsagawa ng rally ang grupo ni SV nitong nagdaang weekend sa Kartilya ng Katipunan sa Maynila upang ipaglaban ang mga properties ng lungsod na pag-aari raw ng mga Manilenyo.
Kasama ang kanyang mga supporters, nagmartsa mula sa harapan ng Manila Post Office patungong Kartilya ng Katipunan o ang tinatawag na Bonifacio Shrine para ipagsigawan ang kanilang ipinaglalaban – ang “MANILA is NOT FOR SALE!!!”
Bitbit din ng kampo ni SV ang mahahalagang dokumento tungkol sa mga ari-arian ng Maynila na isa-isa na raw na naibenta. Aniya, dapat lang daw na ipaliwanag ng mga opisyal ng local government sa mga Manilenyo ang tunay na nangyayari.
Sabi ni Sam na tumatakbong alkalde ng Maynila sa darating na May, 2025 elections, “Wag nating hayaan ibenta at pakinabangan muli ng iilang mga Namumuno ang Ari Arian ng Maynila.
“Bilyon bilyon pera para sana sa Pang Hospital, Pabahay at Pagaaral ng Manilenyo ay kinulimbat lang!” mensahe ng partner ng Kapuso actress na si Rhian Ramos.
Pagpapatuloy pa niya, “Hanggang ngayon tikom ang bibig nila at iniiwasan ipaliwanag saan Napunta ang Bilyon Bilyon pera at sino ang nakinabang at nakabile ng mga Ari Arian na ito. Bawiin natin ang mga pag mamay ari ng Manilenyo!”
Sa isa naman niyang Facebook post, ibinahagi niya ang radio program nina Anthony Taberna at Gerry Baja kung saan tinatalakay ang pagbebenta ng mga properties ng Maynila.
“Eto na po! Dumadami na ang humihingi ng paliwanag Saan Napunta ang Bilyon Bilyon na pera galing sa mga pagbebenta ng Ari arian ng Maynila??
“Wag nyo iwasan tong issue ng pagbebenta dahil hindi titigil ang mga tao hanggang may sagot at managot!
“Ang pera mula po sa pagbebenta ay dapat napunta sa mga Hospital, pang gamot, pabahay at pagpapa aral sa mga Manilenyo, hindi sa bulsa ng iilang Abusado! Gumising na po tayo at i demand ang dapat para sa Manilenyo!”
“Wag na nating hayaan Ibenta muli ang Maynila! MANILA is NOT FOR SALE!!!” aniya pa.
Narito naman ang reaksyon ng mga netizens sa ipinaglalaban ni SV.
“Maganda yan! alam naman lahat na nabenta yang mga yan open secret yan ee kaso wala lang, wala nag explain?? walang sumagot?? walang nanagot? parang walang accountability ang admin nuon kaya ayos to panawagan para may magpaliwanag. manila is not for sale!”
“Ang tapang mo ay inspirasyon sa amin mga manilenyo mayor SV.”
“Tama yan, alagaaan at pahalagahan naten ari arian at buong maynila. Manila is not for Sale.”
“Tama manila ng for sale asn n ba talaga pera ng npagbentahan at cnu nkabili tama b ang proseso ng pgbenta ng pag aari ng maynila sagot n kau pra mkabalik kau ulit.”
“Dpo ba dpat me nagpa file na ng kaso nyan sa ombudsman? Me nagmalasakit na bang mag file?”
“Hindi yan Paninira pag bubukas yan ng isip ng mga tao sa Manila ano ang hindi nila alam sa alam ni SV bulagbulagan na ksi. Tama na Bago naman SV naman.”
“Sana tayong mga botante magkaroon Tayo ng awareness. Wag nmang ok nlang lahat bahala na kung may mga anomalya or corruption dyang ginawa ang mga politiko Basta may ginawa daw at may resibo bahala na kung may maling ginagawa.Wag nman nating inormalize o ipagtanggol pa ung Mali.”
“Mas lalong lumalakas ang loob naming ipaglaban ang katotohanan saludo ako sayo mayor sv.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.