BINI Maloi first time ma-meet si Rico Blanco, na-issue pa!
MULING nilinaw ng miyembro ng nation’s girl group na si BINI Maloi Ricalde na walang namamagitan sa kanila ng singer at songwriter na si Rico Blanco.
Sa kanilang naging guesting sa “Fast Talk with Boy Abunda” ay nausisa ang mga members patungkol sa mga isyung kanilang kinasangkutan.
Dito ay ipinaliwanag ni Maloi na ang nag-viral na photo ay kinuha lamang sa ipinost na video ng isang bloom na bad angle at nagmukhang magkahawak kamay sila.
Matatandaang nagpunta sa La Union last month ang dalaga kasama ang mga kaibigan na sina Zild Benitez, Blaster Silonga, Agnes Reoma at Pat Lasaten.
Baka Bet Mo: BINI Maloi pumalag sa chikang may relasyon sila ni Rico Blanco
View this post on Instagram
“Actually, no’ng time na po ‘yon, do’n lang ‘yong first meet-up namin ni Rico Blanco. ‘Yong friends ko is friends din niya,” saad ni Maloi.
Sinabi rin niya na isang headline mula sa isang news outlet ang nagpalala ng pagpaplaganap ng fake news.
“As tao, as Pinoy na parang kung ano ‘yong mabasa mo ‘yon ang paniniwalaan mo, and hindi lahat ng tao nagbabasa ng body ng article. So, ‘yon na ‘yong napaniwalaan nila… ayoko na lumaki pa ‘yong gulo, at gusto ko nang linawin agad,” pagpapatuloy ni Maloi.
Matatandaang marami ang nagulat matapos ma-link ang dalawa dahil sa pagsasama sa La Union kasama ang mga kaibigan.
Inakala pa nga nila na si Maloi ang ipinalit ni Rico sa kanyang naging longtime girlfriend na si Maris Racal.
Ngunit bago pa lumala ang balita ay agad nang nilinaw ni Maloi na wala silang relasyon ni Rico.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.