Kris nawalan ng balance sa CR, tumama siko, tuhod; Bimby nagpaka-action star
NAWALAN ng balanse ang Queen of All Media na si Kris Aquino habang sa loob ng bathroom dahil bigla raw nanghina ang kanyang tuhod.
Nagbigay ng update ang award-winning TV host-actress tungkol sa kanyang health condition ngayon, kabilang na riyan ang minor accident na kinasangkutan niya kamakailan.
Sa Facebook post ng confidante at malapit na kaibigan ni Kris na si Kuya Dindo Balares, dating tabloid entertainment editor, makikita ang latest photos ni Kris.
“Maraming followers si Kris Aquino na nanaghihintay ng kanyang latest photos. Heto na po.
Baka Bet Mo: True ba, pagbabalik ni Kris Aquino sa TV hindi muna matutuloy?
“Kuha at ipinadala niya sa akin ang left photo last January 25,” ani Kuya Dindo sa inilagay niyang caption sa litrato ni Kris.
“Allergens still in my body,” ang kuwento raw ni Kris sa kanya.
“‘Praying hard na ma-flush out na lahat, Krisy,’ sabi ko. May pagbabago akong napansin, na agad kong sinabi. ‘You’re glowing!!!’
“I just don’t have wrinkles, Kuya Dindo,” ang reply daw sa kanya ng nanay nina Joshua at Bimby.
Pagpapatuloy pa ni Kuya Dindo, “Last Sunday, habang nasa Pacita Mansion ako sa Vigan kasama ang media friends, ipinadala naman niya ang photo na nasa kanan.
“In between the said dates, lagi siyang may struggles sa kalusugan, at iniiyakan ang kanyang severe body pains.
“Ang labis kong hinahangaan kay Kris, ang kanyang faith na hindi natitinag.
“Last Tuesday, ito ang kanyang message:
“‘Kuya Dindo i lost my balance sa bathroom- tumama my elbow and knee. Parang biglang nanghina my left knee so i hit the marble wall.
“‘Praise God when i shouted Bimb, he jumped from the bed and daig nya ang action stars kasi sya less than 5 seconds from when i shouted he was there- na prevent nya my head slamming into the marble wall. Bimb is my hero.
“‘Pangit my (latest) blood test results. More prayers.'” ang pagbabahagi pa ni Kris sa kuwentuhan nila.
Mensahe pa raw ni Kris, “Mahaba pa, pero tuloy ang laban!”
Chika pa ni Kuya Dindo, “Ilang weeks nang laging mahaba at masarap ang kanyang tulog. Unti-unti nang nababawi ang kanyang lakas.
“Lagi’t lagi, walang hanggang pasasalamat po sa mga nangungumusta at nagdarasal para sa tuluyang paggaling ni Krisy.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.