Maris, Anthony bubuhayin ang love team, babandera sa ‘Sosyal Climbers’

Maris Racal, Anthony Jennings
MULING magpapakilig ang on-screen partners na sina Maris Racal at Anthony Jennings!
Nakatakda kasi silang magtambal sa upcoming film na pinamagatang “Sosyal Climbers.”
Inilabas na ang main trailer ng kanilang latest project at ang role nila ay bilang sina Jessa at Ray, ang couple na sangkot sa isang scam.
Mukhang bubuhayin talaga ang malakas na chemistry ng MaThon love team dahil sa ilang love scenes at kissing scenes na ipinakita sa pasilip.
Baka Bet Mo: EXCLUSIVE: Kamustahan sa likod ng ‘Incognito’, paano ba napili ang mga bida?
“After being mistaken for new residents of a posh neighborhood, financially struggling couple Ray and Jessa hatch a scheme to reverse their fortunes and finally taste the luxurious life they always dreamed of. Their charade to fool the upper class will test their skill, their charm, and ultimately, their love for each other,” saad sa inilabas na synopsis ng Netflix.
Kung matatandaan, ang dalawang artista ay nasangkot sa kontrobersiya noong December last year matapos ibunyag ni Jamela Villanueva, ang ex-girlfriend ni Anthony, ang panloloko umano sa kanya ng aktor at ni Maris.
Makalipas ang ilang araw ay humarap sa publiko ang aktres upang linawin na ang pagkakaalam niya ay hiwalay na sa girlfriend si Anthony.
Kasunod niyan ay nag-isyu ng public apology ang binata sa dalawang dalaga at inako ang kanyang pagkakamali.
Bago ang upcoming movie, sina Maris at Jennings ay magkasamang bumida sa ongoing action-drama series na “Incognito” kasama ang ilang bigating artista, kabilang na sina Richard Gutierrez, Daniel Padilla, Kaila Estrada, Ian Veneracion, at Baron Geisler.
Samantala, ang “Sosyal Climbers” ay mapapanood na sa February 27, only on Netflix.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.