Annette Gozon sa pagpasok sa PBB house: Parang ayaw mo nang lumabas
ALIW na aliw ang mga netizens kay GMA Network Senior Vice President Annette Gozon-Valdes sa kanyang naging saloobin matapos makapasok sa loob ng Bahay ni Kuya.
Nitong Martes, January 28, ginanap ang contract signing ng mga big biss ng ABS-CBN at GMA para sa kanilang historic collaboration para sa ika-20th anniversary ng programang “Pinoy Big Brother”.
“Thank you ABS for welcoming us here in the PBB House. Iba pala ‘yong feeling makapasok sa Bahay ni Kuya, parang ayaw mo na umalis,” natatawang sabi ni Annette.
Biniro naman siya ng isa sa mga “PBB” hosts na si Robi Domingo.
Baka Bet Mo: GMA Senior VP Atty. Annette Gozon-Valdes hands off sa isyu ng TVJ at TAPE Inc: It was beyond our control
“Narinig po ni Big Brother ‘yan, Atty. Annette. Sigurado po ba kayo?” sey ni Robi.
Sagot naman ng GMA exec, “Parang nakaka-challenge kasi.”
Sundot naman ng main host ng programa na si Bianca Gonzalez kay Atty. Annette, “Actually pagkatapos po nito ay ang maleta po ay ready na.”
Sa kanyang speech ay binanggit nito ang mga naging matagumpay na collaboration ng GMA at ABS-CBN kabilang ang teleseryeng “Unbreak My Heart”, ang pelikula g pinagbidaha nina Kathryn Bernardo at Alden Richards na “Hello, Love, Again”, at ngayon naman ay ang magiging celebrity edition ng “Pinoy Big Brother”.
“We are very excited to collaborate with ABS-CBN to bring to the Filipino audience the longest running reality show, Pinoy Big Brother, especially it’s celebrating it’s 20th anniversary this year and incidentally, Sparkle is celebrating it’s 30th anniversary this year,” sey ni Atty. Annette.
Pagpapatuloy pa niya, “Abangan n’yo ang pagsasama ng mga Kapuso at Kapamilya housemates sa teleserye ng totoong buhay. Malapit na malapit na sa GMA.”
Sa ngayon ay wala pa namang listahan kung sino sa mga Star Magic at Sparkle artists ang aabangan gabi-gabi sa pinakasikat na bahay sa Pilipinas.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.