Korina balak tumakbo sa 2016 election kaya namimigay ng tsinelas? | Bandera

Korina balak tumakbo sa 2016 election kaya namimigay ng tsinelas?

Ambet Nabus - November 18, 2013 - 03:00 AM


And yes, we could not really help but to say it too. Sa social media ron kasi namin nakita na yung mga relief goods (for Yolanda’s victims) na ipinamimigay nina VP Jejomar Binay at ateng Korina Sanchez ay maliwanag na may pamumulitika.

Talagang nakabandera ang name ni Binay bilang donor ng naturang mga relief goods, at yung mga sasakyang nagdadala nito doon para ipagmamalaking sa kanya galing ang tulong.

Grabe na nga ang pintas at atake na nakuha ng gobyernong ito sa paraan ng pag-handle ng trahedya, ay eto’t parang nang-iinis pa si Binay sa ginawa niya.

Noong una ay may benefit of the doubt pa kaming baka mga lumang fotos lang yung nakita namin at may gusto lang sigurong manira sa ating Bise Presidente, pero sobrang dami na ng nagpo-post at nagpapatunay na siya lang ang bukod tanging naglagay ng mukha at name niya sa mga donations among the highest officials of the land.

Yung ibang epal na opisyal daw ay mild lang ang pagpapa-pogi. Yung mga kulay ng tsinelas naman na yellow and blue na associated umano kay Sec. Mar Roxas ang tatak naman daw ng mga ipinamigay na tsinelas ni ateng Korina Sanchez sa mga taga-Ormoc, with her matching letter “K” na tatak na niya.

Hindi raw mapagkakamalang kay Kris Aquino yun  galing huh! May nagsabi nga na baka pati si Korina ay may plano na ring tumakbo sa 2016 elections kaya ganu’n?

And yes,balitang lulusob na rin sa Tacloban at iba pang lugar na nasalanta ng bagyo si Kris dahil nga sa ito raw ang naatasan ng pamilya Aquino na humilot at maglambing sa mga taong galit na galit sa kuya niyang pangulo dahil sa kabagalan ng pamamahagi ng relief goods. Tsk, tsk, tsk, indeed…tamang mga eksena lang sa showbiz ang peg ng gobyernong ito di ba, mga ka-BANDERA?!

( Photo credit to Google )

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending