Maricar may hugot tungkol sa ‘pain and shame’ sa gitna ng Maris-Anthony issue
“LIFE is a marathon, not a sprint.”
‘Yan ang malalim na hugot ni Maricar Reyes sa kanyang Facebook post kamakailan lang sa gitna ng kontrobersiya na kinasasangkutan ng on-screen partners na sina Maris Racal at Anthony Jennings.
Bagamat hindi binanggit ang mga pangalan ng dalawa, tila swak ang payo ni Maricar para sa kahit sino na dumaranas ng sakit at hiya dahil sa pagkakamali.
“The pain [and] shame of a mistake can be the first step towards the best & wisest version of yourself,” sey ni Maricar.
Aniya, “Take full accountability, learn well [and] finish strong.”
Baka Bet Mo: Paalala ni Maricar Reyes sa mga estudyante: ‘Sa mga bumagsak at wasak d’yan, it’s not the end of the world!’
Tila ang mga payo ng actress-entrepreneur ay galing na rin sa kanyang pinagdaanan noon.
Matatandaang naging laman siya ng mga balita noong 2009 dahil sa isang video scandal kasama ang celebrity doctor na si Dr. Hayden Kho.
Aminado si Maricar na nadurog ang kanyang reputasyon dahil dito, pero nagawa niyang bumangon at maghilom.
Sa 2022 tell-all book ni Maricar, ipinaliwanag niya na ang aklat ay hindi “Maritess chismis book,” kundi isang kwento ng paghilom.
“No embarrassing details were revealed here about any specific person. This book focuses only on Maricar’s long journey and process of healing,” ayon sa website nito.
Dagdag pa, nais daw ni Maricar na iparating sa mga kababaihan na may pag-asa at paraan para makaalis sa kahit anong madilim na sitwasyon.
Samantala, patuloy ang ingay sa isyu nina Maris at Anthony matapos mag-viral ang screenshots ng kanilang umano’y pribadong usapan na ibinandera ng ex-girlfriend ng aktor na si Jam Villanueva sa Instagram Stories.
Humingi na ng paumanhin si Anthony kina Maris at Jam sa isang 22-second video.
Sinabi rin ni Maris na inakala niyang single ang aktor noong nagkaroon sila ng romantic connection.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.