Paalala ni Maricar Reyes sa mga estudyante: 'Sa mga bumagsak at wasak d'yan, it’s not the end of the world!' | Bandera

Paalala ni Maricar Reyes sa mga estudyante: ‘Sa mga bumagsak at wasak d’yan, it’s not the end of the world!’

Ervin Santiago - May 22, 2023 - 07:26 AM

Paalala ni Maricar Reyes sa mga estudyante: 'Sa mga bumagsak at wasak d'yan, it’s not the end of the world!'

Maricar Reyes at Richard Poon

RELATE much ang mga netizens sa bagong life lesson na ibinahagi ng aktres at negosyanteng si Maricar Reyes-Poon na may kaugnayan sa pagtatrabaho.

Naniniwala ang wifey ng singer na si Richard Poon na okay lang magkaroon ng work na walang kinalaman o koneksyon sa kursong natapos sa kolehiyo.

Sa kanyang official Facebook account, sinabi ni Maricar na hindi isyu o big deal sakaling matanggap ang isang tao sa trabahong malayo sa nakasaad sa kanyang college diploma.

“Your college course will not define your career,” ang post ni Maricar sa kanyang Facebook page noong May 16.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Maricar Reyes-Poon (@maricareyespoon)


Ganito rin kasi ang nangyari sa kanyang career – graduate siya ng Medicine at isa na ring licensed medical doctor pero napunta siya sa mundo ng showbiz at naging businesswoman.

Wala siya ngayon sa ospital para manggamot bilang doktor. Pero ipinagdiinan ng aktres na sa kabila ng tinahak niyang buhay ay hindi ibig sabihin na hindi na niya magagamit ang kanyang pagiging doktor.

“‘Nag-aral ka ng medicine, pero di ka nagpa-practice. HINDI BA SAYANG?’ Nope. Just this morning I checked on & managed my team member who was not feeling well for the last few days,” ang pahayag ni Maricar.

Baka Bet Mo: Chynna umamin sa tunay na dahilan kung bakit biglang bumagsak ang timbang

Ayon pa kay Maricar, bukod sa pagiging artista at negosyante, isa rin siyang siyang baker, kitchen assistant ng kanyang mister na si Richard Poon, content creator at author ng libro.

Paalala pa ni Maricar sa madlang pipol,  “Don’t let your degree limit what you can do with your life.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Maricar Reyes-Poon (@maricareyespoon)


Samantala, may isa pang inspiring message ang aktres para naman sa mga estudyante na problemado sa kanilang mga examination at grades sa school.

“Your grades in school will not determine your success in life (Binagsak ko Neuro nung med school noh) It’s how you BOUNCE BACK from the failure…,” paalala ni Maricar.

“Sa mga bumagsak at wasak dyan, it’s not the end of the world!!! It’s just the tough beginning of your success story!!!” ang sabi pa ng aktres.

Pahabol pa niya, “Ang boring ng pelikula kung puro happy-happy noh. Dapat may kontrabida at malaking problema. How the lead character OVERCOMES CONFLICT, makes it interesting.”

Iba-iba ang naging reaksyon ng mga netizens sa mensahe ni Maricar, may mga agree at meron ding kumontra. Narito ang ilan sa mga nabasa naming comments.

“Correct. And don’t let your career define who you are.”

“True. Never naging sayang. As a stay at home mom, I applied everything I learned from my profession. Yung flexibility, multi-tasking, and everything in between. I enjoy and love what I do and it makes me happy looking after them, witnessed their milestones and proud raising my two sons.”

“Kahit kailan hindi naging sayang ang pinag-aralan, dahil ‘yon ang kayamanang hindi mauubos, makukuha, mananakaw kaninoman. Ikaw ang mamimili ng buhay na tatahakin mo.”

“Hindi sayang… it’s steps to success!”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Maricar Reyes-Poon (@maricareyespoon)


Reaksyon naman ng isang nanay, “Maricar Reyes-Poon, I see your good intentions, but I suggest kindly choose your words wisely as you are  privileged enough to have a platform knowing your huge number of followers, let’s not confuse the kiddos na ok lang bumagsak without doing ur best . binagsak in tagalog connotes intentional. As a mom who is teaching my kids to do good in school since that’s their responsibility as a student.. I am concerned  by ur post.. especially I am a scholar from a marginalized sector.. and in my experience.. if i didn’t work hard to get high grades, I cant get academic scholarship and so I must say  I was able to get thru poverty (succeed in landing stable job) because of high grades.”

Sagot naman ni Maricar, “Paalala po Im not romanticizing failure. Im encouraging people TO GET BACK UP when they do.

“This post was inspired by a teacher we spoke to recently who told us about the increasing number of self harm in students who get failing grades.

“Parang end of the world na pag bumagsak. This post will hopefully remind them that its NOT the end of the world,” paliwanag ng aktres.

Maricar Reyes nagsalita na tungkol sa ‘darkest chapter of my life’: 12 years bago ako naging OK enough to really talk about it…

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

John Prats sa ‘paghihiwalay’ nila noon ni Heart Evangelista: I felt na bumagsak talaga yung career ko

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending