Maricar Reyes, Richard Poon nagpatingin na sa espesyalista para malaman kung bakit hindi pa rin nagkaka-baby | Bandera

Maricar Reyes, Richard Poon nagpatingin na sa espesyalista para malaman kung bakit hindi pa rin nagkaka-baby

Ervin Santiago |September 13,2022
facebook
share this

Maricar Reyes, Richard Poon nagpatingin na sa espesyalista para malaman kung bakit hindi pa rin nagkaka-baby

Ervin Santiago - September 13, 2022 - 11:02 AM

Maricar Reyes at Richard Poon

OKAY lang sa actress-entrepreneur na si Maricar Reyes kung hindi man sila mabiyayaan ng anak ng kanyang asawang si Richard Poon.

Inamin ni Maricar na sa ikalawang taon pa lang ng pagsasama nila ng singer-recording artist ay nagta-try na silang gumawa ng baby pero hanggang ngayon nga ay hindi pa sila nakakabuo.

Ayon sa aktres, wala namang problema sakaling hindi man sila magkaanak ni Richard dahil kuntento at happy naman daw sila sa pagsasama nila bilang mag-asawa.

Sa panayam ni Rica Peralejo kay Maricar na mapapanood sa kanyang YouTube channel, natanong nga kung may plano pa sila ng kanyang mister na magka-baby.

View this post on Instagram

A post shared by Maricar Reyes-Poon (@maricareyespoon)


“After two years nu’ng ikinasal kami, we really planned on not having kids for the first two years, after that pwede na.

“We even got checked. There’s no problem with him and there’s no problem with me. Feeling ko we did our due diligence naman on our side, humanly possible, pero wala e,” pahayag ni Maricar.

Sunod na tanong ni Rica kung may pagkakataon ba na nainggit si Maricar sa mga mag-asawa na may mga anak.

“Meron lang talaga akong peace na kung meron, okay, kung wala, okay. It doesn’t make me feel like I’m less of a person or I’m less of a female.

“Kung wala, wala e. Ginawa mo naman ‘yung part mo e, and I rest on that,” aniya pa.

Sabi pa ng aktres na hindi naman niya binabalewala kung may mga babaeng nakakaramdam ng depresyon o kalungkutan dahil hindi pa nagkakanak.

“Not to discredit women who don’t have the peace, kaya lagi akong may disclaimer na hindi galing sa akin to, e. Some things God makes easy for you, and some things God makes a little more challenging,” aniya pa.

Sa isang interview naman kay Richard sinagot na nito ang tanong tungkol dito, “I think a lot of people, including our parents, would like us to have a kid already. Kaya lang kami, gusto rin namin, pero hindi kami nagpapa-pressure.

“Maraming nagme-message sa amin na private message na, ‘Nape-pressure na ako kasi pine-pressure ako ng parents ko magkaanak, magkaanak, magkaanak.’

“Pero kami hindi kami nape-pressure because, from the start, sinabi sa amin ng mga married mentors namin na, ‘You know, pag single ka, ipe-pressure ka ng mga tao, with good intentions, ‘uy, bakit hindi ka pa kinakasal?’

“Kapag ikinasal ka, ‘bakit wala ka pang anak?’ Pag may anak ka nang isa, bakit hindi mo pa sinundan ng pangalawa?’ So, kami, okay lang kahit wala pa,” sabi ng singer.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ikinasal sina Maricar at Richard noong 2013 at nito lamang nagdaang June ay ipinagdiwang na  ng celebrity couple ang kanilang 9th anniversary.

Richard Poon bina-bash ng netizens matapos mag-react sa community pantry

Aiko umaming nagbayad nang makipag-date noon sa lalaki; dyuminggel na rin daw sa pool

Aiko nag-walkout sa shooting matapos nakawan ng halik ng kaeksenang aktor

LJ Reyes sa mga kapwa ina: Paano nga ba maging isang magulang?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending