Ian sa Maris, Anthony isyu: ‘We’re all human beings…just let them be’
“IT’S a private thing between two people, just let them be.”
‘Yan ang naging reaksyon ng batikang aktor na si Ian Veneracion matapos siyang ma-interview ng entertainment reporter na si MJ Marfori patungkol sa kontrobersiya sa pagitan nina Maris Racal, Anthony Jennings, at Jam Villanueva.
Ayon kay Ian, lahat tayo ay tao lamang regardless kung gaano ka kasikat.
“With fame comes the possibility of shame. I mean, that’s two shades of the same thing and it’s just part of it,” sey niya.
Patuloy ng aktor, “Regardless of how viral or whatever the celebrity status is, we are all human beings…Kami kami lang naman ang nagsu-support from each other –even emotionally.”
Baka Bet Mo: Anthony pinagsabay si Maris at Jam? ‘I asked him so many times!’
Tila ipinahayag pa niya na lilipas din ang isyu na kinakaharap nina Maris at Anthony.
“Just chill. Ikaw ba, naalala mo kung sino nag-viral three weeks ago? Tsaka it’s just part of it,” sambit niya sa panayam.
Aniya pa, “Hindi ko lang maintindihan why everybody makes it their business. I mean, it’s a private thing between two people. Just let them be.”
Matatandaang nitong Biyernes, December 6, binasag na nina Maris at Anthony ang kanilang katahimikan tungkol sa cheating issue na kanilang kinasasangkutan.
Inamin ni Maris na naging mahina siya ‘nung mga panahon na nagkakamabutihan sila ni Anthony, pero nilinaw niya na hindi siya aware na magdyowa pa rin ang aktor at si Jam.
Ilang beses na raw kasi siyang nagtanong kay Anthony kung nagkabalikan sila ni Jam bilang nauna nang sinabi ng aktor na wala na sila ng girlfriend.
Si Anthony naman ay todo sorry sa dalawang babae at inako ang kanyang pagkakamali.
Habang si Jam ay wala pa ring komento o inilalabas na reaksyon matapos ang official statement ng on-screen partners.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.