Vice Ganda nagpapa-therapy para sa mental health: I'm proud of it

Vice Ganda nagpapa-therapy para sa mental health: I’m proud of it!

Ervin Santiago - December 06, 2024 - 11:06 AM

Vice Ganda nagpapa-therapy para sa mental health: I'm proud of it!

Vice Ganda, Jun Lana at ang iba pang cast members ng ‘And The Breadwinner Is…’

NAGPAPA-THERAPY ngayon ang Phenomenal Box-office Star na si Vice Ganda dahil sa kanyang mental health problems.

Inamin ito ng TV host-comedian kagabi sa naganap na grand mediacon ng kanyang Metro Manila Film Festival 2024 entry na “And The Breadwinner Is…” under Star Cinema and IdeaFirst Company.

Napag-usapan kasi ang tungkol sa mga hirap at sakripisyo na pinagdaraanan ng mga breadwinner sa tunay na buhay at dito nga matapang na inamin ni Vice ang pagkakaroon din ng mental health issues.

Ayon sa komedyante, naniniwala siya na lahat ng breadwinner ay may kanya-kanyang hugot sa buhay lalo na yung mga taong pasan-pasan ang lahat ng responsibilidad sa pamilya.

“Di ako ready du’n (naging emosyonal). Siyempre, imposibleng hindi ka magkaroon ng mental health issues as a breadwinner.

Baka Bet Mo: Breadwinner gustong hiwalayan ng dyowa, di maibigay ang dream wedding

“‘Yung pagpasan ng napakaraming problema nang mag-isa imposibleng hindi ka magkaroon ng mental health issues,” simulang pagbabahagi ni Vice.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


“‘Yung pakiramdam ng nag-iisa yun ang pinakamahirap. Hindi naman mawawala ang pagsubok sa buhay araw- araw, e, di ba? Pero marami tayong pagsubok na nalalampasan natin na madali kasi marami tayong katuwang.

“Pero kapag nag-iisa ka at alam mong wala kang maaasahan, ang sakit nu’n sa ulo. Ang hirap nu’n matulog, ang hirap nu’n mag-isip,” lahad ni Meme Vice.

“Lalung-lalo na kung ang nararamdaman mo hindi mo masabi at wala kang mapagsabihan at walang gustong makinig sa gusto mong sabihin. ‘Yung ang magko-cause sa ‘yo ng mental health issues,” aniya pa.

Matapang din niyang ni-reveal ang pagsailalim sa therapy sessions para mabanrayan ang kanyang mental health condition na napakalaking tulong daw para malagpasan ang mga challenges sa buhay.

“How did I cope up? I underwent therapy. Actually not underwent, I am still undergoing therapy. Nag-therapy ako noon at hanggang ngayong nagti-therapy pa rin ako.

“At yun ang isang bagay na hindi ko gustong ihinto parang ginagawa kong regular yung pagti-therapy kasi gusto kong matulungan ang sarili ko kasi marami pa akong gustong gawin kagaya nang breadwinners.

“Marami pa siyang pangarap, e, marami pa akong pangarap, marami pang nakapasan sa ‘kin, marami pa akong gustong gawin.

“Gusto kong manatiling malusog hindi lang ang pangangatawan ko kundi pati ang kaisipan ko kaya nagti-therapy ako hanggang ngayon.

“This is something na hindi ko masyado kasing nasi-share pa kaya nabigla ako (sa tanong), pero naisip ko, parang, ‘ano naman ang nakakahiya kung nagte-therapy ako?’ ’Di ba?

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


“At saka gusto ko ring malaman n’yo na ‘yeah, nagte-therapy ako. I am proud of it at ito’y isang bagay na hindi natin dapat pinagdadalawang-isipan na gawin dahil going to a therapy or seeking help sa isang psychiatrist, psychologist o sa isang professional para tulungan ka sa iyong mental health issues should be as normal as going to the dentist, ‘di ba?

“It should be as normal as going to the derma kung may problema ka sa skin. ’Yung ganu’n. So, yeah, ‘yun. Para maharap ko at maalagaan ko ang aking pangangailangang mental, ako po ay nagte-therapy every now and then hanggang ngayon,” pahayag pa ni Vice Ganda.

Anyway, shoeing na sa December 25 ang “And The Breadwinner Is…” bilang bahagi ng 50th edition ng MMFF this year. Kasama rin dito sina Eugene Domingo, Joel Torre, Jhong Hilario, Gladys Reyes, Kokoy de Santos, Lassy Marquez, MC Calaquian, Ion Perez, Petite, Divine Tetay, Gina Pareño, Al Tantay, Kiko Matos, Via Antonio, Malou De Guzman, at Negi.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ito’y mula sa direksyon ni Jun Robles Lana.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending