Sandro tuloy ang therapy para sa mental health: Yung totoo I’m not OK!
“HINDI ako okay,” ang diretsahang pag-amin ng baguhang youngstar na si Sandro Muhlach patungkol sa pinagdaraanan niya ngayong kontrobersya.
Bumalik sa tanggapan ng National Bureau of Investigation (NBI) ang panganay na anak ni Niño Muhlach kahapon, August 14, para sa kanyang behavioral therapy session.
Ito’y matapos ngang dumalo sa Senate hearing ang dalawang independent contractors ng GMA na sina Jojo Nones at Richard Cruz na inirereklamo ni Sandro ng sexual abuse.
Kasama ng Sparkle artist ang kanyang amang si Niño nang magtungo muli sa NBI para sa next session ng kanyang behavioral therapy upang makatulong sa mental health issue na pinagdaraanan ng binata.
Sa ulat ng ABS-CBN, natanong si Sandro kung ano ang naging reaksyon niya sa mariing pagtanggi nina Nones at Cruz sa kasong isinampa niya laban sa mga umabo’y nang-abuso sa kanya.
Baka Bet Mo: 1 sa mga inireklamo ni Sandro ng pang-aabuso isinugod sa ospital
Lumalabas kasi na siya pa ang nagsisingungaling sa mga inirereklamo niya sa dalawang writer ng Kapuso Network.
Ngunit ayaw na munang magsalita ni Sandro sa media ng kahit ano tungkol sa kinasasangkutang kontrobersiya, mas pinili na muna niyang manahimik sa ngayon.
Aniya, sa korte na lamang daw niya isisiwalat ang lahat ng detalye sa nangyari sa kanya at sa umano’y ginawa sa kanya ng dalawang independent contractors ng GMA.
Ang kinumpirma ni Sandro sa naturang panayam ay ang nararanasang mental health problems dahil sa naranasan daw na panghaharas na labis nakaapekto sa kanyang personal na buhay at career.
“Right now I can’t say I’m okay. ‘Yung totoo I am not okay. Nandito ako sa NBI kasi I’m having my evaluation sa behavioral science division.
“It’s the therapy for myself and for my mental health. May anxiety ako, hindi ako nakakatulog,” ang pahayag ni Sandro sa naturang report.
Samantala, pagkaalis daw ng mag-amang Sandro at Niño sa tanggapan ng NBI ay dumating naman ang mga legal counsel nina Jojo at Richard.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.