Julia Montes napako, sugat-sugat sa Topakk pero walang reklamo

Julia Montes napako, nagkasugat-sugat sa ‘Topakk’ pero walang reklamo

Ervin Santiago - December 06, 2024 - 09:47 AM

Julia Montes napako, nagkasugat-sugat sa 'Topakk' pero walang reklamo

Julia Montes, Sylvia Sanchez, Kokoy de Santos at Arjo Atayde

TULAD ni Arjo Atayde, buwis-buhay din ang ginawang stunts at action scenes ni Julia Montes sa pelikulang “Topakk” na isa sa 10 official entry ng Metro Manila Film Festival 2024.

Sa katunayan, nagkasugat-sugat si Julia sa katawan at napako pa sa ilang maaaksyong eksena na ginawa niya sa pelikula, pero wala raw narinig na reklamo mula sa Kapamilya actress.

Ayon kay Julia, ginabayan at talagang tinulungan siya ng kanilang direktor na si Richard Somes sa mga intense scenes niya sa movie, lalo na sa mga bayolente at masugong eksena nila ni Arjo at ng iba pang cast members.

Sey ng aktres, “More than fears, mas excited ako kasi maganda ‘yung kuwento, ‘yung film, ‘yung purpose and advocacy ng film. ‘Yung na-experience naman na nasaktan, hindi na namin na-feel ‘yun kasi nasa moment na kami ng eksena.”

Baka Bet Mo: MMFF 2024 entry na ‘Topakk’ nina Arjo at Julia may 2 version, aprub sa MTRCB

Patuloy pa niya, “Sa action, napansin namin, hindi ka puwedeng naka-steady lang or lutang ka. Magkamali ka lang ng move, mamali mo rin ‘yung co-actor mo. So importante ‘yung rhythm,” sabi pa niya.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Dito na naikuwento ni Julia ang eksena kung saan kailangan niyang lumuhod bago bumagsak sa floor at aksidente nga siyang napako.

“Kasi ‘yung eksena na ‘yun, nagko-confrontation na ‘yung mga characters. ‘Yun ‘yung first meet up namin ni Arjo, so medyo intense na ‘yung mga bagay bagay.

“Eh, nahiya naman akong i-cut (ang eksena) para sabihin na ‘teka lang napako ako!’., so, ang ginawa ko dahil intense ‘yung eksena, wala sa akin ‘yung camera doon ko hinugot ‘yung pako,” sabi ni Julia.

“Siyempre kapag may baril, automatic ‘yan mag-iingat kasi may mga sparks na lalabas diyan. Kapag action, huwag masyadong in the zone. Kasi kaming mga artista pag nag-e-enjoy kami, gusto namin kami na ang gagawa para kuha na ‘yung shot.

“Ganu’n namin kamahal ‘yung trabaho, minsan nakakalimutan namin na teka lang are we ready or equipped to jump, kasi hindi natin maiiwasan ‘yung accident,” paliwanag pa niya.

Hindi naman daw siya masyadong nahirapan sa matitinding eksena nila Arjo sa “Topakk”, “Ang sarap niyang katrabaho, kasi titingin ka lang, sasabay ka na, eh. Doon ko sinasabi na masarap gawin yung eksena kung ganito kagaling yung katrabaho mo.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Samantala, proud na proud naman ang producer ng “Topakk” na si Sylvia Sanchez ng Nathan Studios sa lahat ng artista nila, lalo na kay Julia.

Sey ng premyadong aktres patungkol sa kanilang 50th MMFF entry, “Sa akin ang puso. Concept ito ni direk Richard Somes. Nagtulungan sila nina Jim (Flores) at Will (Fredo).”

Ayon pa kay Ibyang hiniling lang sa kanya ni direk Richard na tulungan siya pagdating sa puso dahil ang alam lang niya ay ang aksyon. Sabi raw ni Direk kay Sylvia, “Since ikaw ang nasa serye, may puso, nanay.”

“Sobra akong satisfied sa pelikula. Ang gagaling pa lahat ng mga artista. Si Julia, ibang Julia ang mapapanood dito, ang galing.

“Sabi ko nga ang Nathan may nakitang bagong babaeng action star, iyon si Julia. Ang galing-galing niya. Hindi siya nagpa-double kahit sa mga delikadong stunt, action.

“Actually, nagkaroon pa siya rito ng aksidente. Napako siya, ‘yung tuhod. Nauntog siya pero hindi niya iyon ininda, hindi nag-complain, tuloy-tuloy ang take. After na ng scene at saka niya sinabi ang nangyari sa kanya.

“Nasaktan talaga siya. Pero ang galing, ang galing ni Julia,” ang super proud pang sey ni Sylvia about Julia.

Tuwang-tuwa rin siya sa magagandang comments na narinig niya sa ginanap na Celebrity and Influencer Advance Screening ng “Topakk” sa Fishermall Cinema.

“Nakakatuwa, nakaka-inspire. Wala akong narinig na masamang komento. Lahat sila na-appreciate yung movie. Yung iba nga sabi sa ‘kin, di nila kinaya yung matitinding action scenes pati na yung mga drama moments,” ani Sylvia.

“Sana kapag napanood nila ito, ito na iyong magsilbing path o daan para magkaroon muli ng mga action movie,” sey pa ng actress-producer.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Showing na ang “Topakk” sa December 25 sa mga sinehan nationwide bilang bahagi ng 50th edition ng MMFF.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending