Nadine Lustre sa patutsada ng fan na magsugal: Choice mo yan!

Nadine Lustre sa patutsada ng fan na magsugal: Choice mo yan!

Therese Arceo - December 03, 2024 - 07:57 PM

Nadine Lustre sa patutsada ng fan na magsugal: Choice mo yan!

DIRETSAHANG sinagot ng aktres na si Nadine Lustre ang isang fan na tila nagpapatutsada sa kanya tungkol sa pagsusugal.

Sa kanyang Instagram broadcast channel ay tinanong niya ang kanyang followers kung ano ang plano ng mga ito sa December.

Isang netizen ang matapang na nagkomento at sinabing “magsugal” sa tanong ni Nadine.

Diretsahan naman itong sinagot ng aktres.

Baka Bet Mo: Nadine Lustre buking ang rason kung bakit ayaw pang magteleserye

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

“Choice mo ‘yan,” maikling reply ni Nadine.

Tila hindi pa rin talaga natatapos ang mga kritisismong natatanggap ng aktres dahil sa pang-e-endorso nito ng isang online gambling platform.

Marami kasi ang hindi nagustuhan ang ginawa nitong gambling endorsement lalo na’t taliwas ito sa kanyang mga adbokasiya na minahal ng madlang pipol sa kanya.

Sa mga hinsi aware, ilan sa mga adbokasiya ni Nadine ay ang pangangalaga sa mga hayop pati na rin sa kapaligiran pati na rin ang mental health.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Isa pa, marami ang disappointed dahil maraming mga bata ang umiidolo kay Nadine at hindi mabuting halimbawa ang pag-eendorso ng sugal sa mga ito.

Sa kabila nito ay may mga netizens pa rin na nagtanggol sa aktres at sinabing irespeto na lang ang trabaho niya.

Samantala, muling magbabalik pelikula si Nadine sa isa sa mga official entries sa 2024 Metro Manila Film Festival na pinamagatang “Uninvited” kung saan kasama nito sina Vilma Santos, Aga Muhlach, Tirso Cruz III, Mylene Dizon at Lotlot de Leon.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending