Neri Miranda umaasa ng himala para makalaya sa Pasko

Neri Miranda umaasa ng himala para makalaya sa Pasko

Ervin Santiago - December 01, 2024 - 02:00 PM

Neri Miranda umaasa ng himala para makalaya sa Pasko

Neri Miranda

UMAASA ng himala ang kampo ni Neri Miranda para makalaya ang aktres at negosyante mula sa Pasay City Jail Female Dormitory bago mag-Pasko at Bagong Taon.

Nakapagpiyansa na ang misis ni Chito Miranda para sa mga kasong estafa at 14 counts of violating the Securities Regulation Code (SRC) ng Securities and Exchange Commission.

Pero kailangan pa rin siyang manatili sa kulungan para sa kasong syndicated estafa na isang non-bailable na kaso. Na-reschedule ang kanyang arraignment sa January 9, 2025.

Kaya naman inaasahan nang aabutin ng Christmas at New Year sa loob ng kulungan ang aktres. Ito ang dahilan kung bakit humihiling ngayon ng himala ang pamilya at mga kaibigan ni Neri sa pamamagitan ng taimtim na panalangin.

Siguradong yan din ang hiling at dasal ng nakakulong na aktres – ang makalabas ng kulungan para makasama ang kanyang pamilya sa darating na Kapaskuhan.

 Baka Bet Mo: Ate Guy nanaginip bago gawin ang ‘Himala’: Nakaluhod ako sa altar, tapos pagtingin ko kay Mama Mary ngumiti siya…

Kahapon, November 30, naglabas ng official statement ang legal team ni Neri hinggil sa kinasasangkutan niyang mga kaso, sa pamamagitan ni Atty. Aureli Sinsuat Flo.

Bahagi ng naturang pahayag ang pasasalamat ng kampo ni Neri sa lahat ng nakikisimpatya at sumusuporta sa aktres. Narito ang buong statement.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


“In compliance with the sub judice rule, we are unable to make any statements on the cases pending against Neri Miranda before the courts.

“It is unfortunate that Neri was not informed of the charges against her beforehand, as we would have been able to properly explain her side even before this reached the courts.

“We note, however, that similar complaints filed against her in other venues have already been dismissed.

“We are confident that Neri will be vindicated of these charges through proper judicial processes.

“We appreciate the heartfelt support that Neri has received from numerous individuals in the press and on social media.”

Matatandaang inaresto si Neri matapos akusahan at sampahan ng patung-patong na kaso ng mga investor ng beauty clinic na Dermcare. Endorser at franchisee dito ang aktres.

Sa isang panayam, ipinaliwanag ng SEC Director na si Filbert Catalino Flores III kung bakit kinasuhan si Neri.

“Ang nakuha naming impormasyon po ay siya po ay naghikayat ng mga investments dun sa Beyond Skin Care. Yun po yung kumpanya na iniimbestigahan po.

“Sa Securities Regulation Code, ang Section 20 na binanggit po, ang kailangan po kapag ang isa ay involved sa buying and selling ng securities po, investment contracts, etcetera., e, iyan po ay kailangan nakarehistro sa SEC.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Pero kapag ang sinabi, ‘Mag-ano kayo, magandang investment to, kasi kikita kayo ng ganito, kikita kayo ng 10 percent or something,’ pagkaganon na po, involved na kayo sa buying and selling of securities. Kailangan rehistrado na po kayo,” esplika pa niya.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending