Kampo ni Neri naghain ng ‘motion to quash’, arraignment inurong

Kampo ni Neri naghain ng ‘motion to quash’, arraignment inurong sa Enero

Pauline del Rosario - November 29, 2024 - 10:57 AM

Kampo ni Neri naghain ng ‘motion to quash’, arraignment inurong sa Enero

PHOTO: Instagram/@rhiannebhela

HINDI natuloy ang arraignment ng aktres at negosyanteng si Neri Naig-Miranda kaugnay sa kasong paglabag sa Securities Regulation Code (RA 8799).

Ayon sa report ng “24 Oras,” ang legal team ni Neri ay nagtungo sa Regional Trial Court sa Pasay City noong Huwebes (Nov. 28) para sana sa pagdinig matapos mag-file ng “motion to quash” na naglalayong mapawalang-bisa ang mga kasong isinampa laban sa kanya.

Ngunit ito ay iniurong ng korte sa January 9 dahil kinailangan muna raw magsumite ng kani-kanilang komento ang prosecution at Securities and Exchange Commission (SEC) hinggil sa mosyon na inihain ng kampo ni Neri.

Magugunitang inaresto ang aktres ng mga operatiba ng Southern Police District (SPD) habang nasa isang convention sa Pasay City noong November 23.

Kinasuhan si Neri ng 14 counts of violation of Securities Regulation Code, estafa, at syndicated estafa.

Baka Bet Mo: Neri Miranda ‘biktima’ lang, Kiko Pangilinan handang tumulong

Ito’y kaugnay ng pagbebenta umano niya ng securities kahit hindi naman siya lisensyado.

Aabot sa P1.7 million ang inirekomendang piyansa para sa 14 counts of security regulations violation habang non-bailable naman ang syndicated estafa.

Base sa paliwanag ni SEC Director Filbert Catalino Flores III sa programa nina Alvin Elchico at Doris Bigornia sa Teleradyo, naging endorser si Neri ng Dermacare ng kumpanyang Beyond Skin Care Solutions.

Kasunod nito, nanghikayat umano ang aktres na mag-invest sa nasabing kumpanya na naging hudyat ng problema niya sa SEC.

Nitong Miyerkules, November 27, nag-post so social media ang mister ni Neri na si Chito Miranda at iginiit na mabuting tao ang kanyang asawa at wala itong ginawang panloloko o panlalamang sa ibang tao.

Sabi pa ni Chito, “Never nanloko si Neri, at never siya nanlamang sa kapwa. Never siyang kumuha or nanghingi ng pera kahit kanino man. Alam ng lahat yan.”

Nabanggit din ng bokalista na wala silang natanggap na kahit na anong dokumento tungkol sa criminal complaint laban sa kanyang misis.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Inamin rin niya na may mga naging kaso rin noon si Neri dahil nga nasangkot ito sa pagiging endorser nito ngunit na-dismiss rin ang mga ‘yun.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending