South Africa biglang umatras sa Miss Universe 2024 pageant

South Africa biglang umatras sa Miss Universe 2024 pageant, anyare?

Pauline del Rosario - November 16, 2024 - 02:04 PM

South Africa biglang umatras sa Miss Universe 2024 pageant, anyare?

PHOTO: Instagram/@mialerouxx

ILANG araw nalang bago ang napipintong coronation night ng Miss Universe 2024 pageant, biglang umatras sa laban ang pambato ng South Africa na si Mia Le Roux.

Ang rason, upang makapag-focus sa kanyang kalusugan at pagpapagaling.

Walang nabanggit kung ano ang sakit ng beauty queen, pero heto ang naging official statement ng Miss South Africa organization na ibinandera sa Instagram: “It is with deep regret that we share the news that Mia Le Roux, Miss South Africa 2024, has had to withdraw from the Miss universe competition due to health concerns.”

Inihayag din diyan ni Mia ang kanyang pasasalamat dahil sa suportang natatanggap niya sa culminating activities ng kompetisyon.

“Making this decision has been incredibly challenging, knowing the dreams and hopes that have been placed upon me. However, I am deeply grateful to have the opportunity to focus on my health and recovery so that I may continue to serve my country with full strength,” sey niya.

Baka Bet Mo: Pilipinas wagi agad sa Miss Universe 2024 bago pa ang coronation night

Kasunod niyan ay pinuri ng nasabing organisasyon si Mia dahil sa ipinakita niyang tapang sa gitna ng pinagdadaanan niya sa buhay.

“Her health and well-being are our utmost priority, and we stand by her side, dedicated to ensuring she regains her strength and returns to full health,” wika sa pahayag.

Ani pa, “Our hearts are with her as she takes the necessary steps toward recovery.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Miss South Africa (@official_misssa)

Ang coronation night ng Miss Universe 2024 ay magaganap sa Mexico City, Mexico sa November 12, oras sa Maynila.

Mahigit 120 na mga naggagandahang kandidata ang maglalaban-laban para sa korona at titulo na ipapasa ng reigning queen na si Sheynnis Palacios.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending