MTRCB kinilala sa Thailand dahil sa 'Responsableng Panonood'

MTRCB kinilala sa Thailand dahil sa kampanyang ‘Responsableng Panonood’

Reggee Bonoan - November 14, 2024 - 03:47 PM

MTRCB kinilala sa Thailand dahil sa kampanyang 'Responsableng Panonood'

PHOTO: Facebook/Movie and Television Review and Classification Board

UMANI ng papuri mula sa maraming bansa ang “Responsableng Panonood” ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) sa International Institute of Communication (IIC) 55th Annual Conference nitong Nobyembre 4-7 sa Bangkok, Thailand.

Bilang panelist sa kumperensya, inilatag ni MTRCB Chairperson at CEO Lala Sotto-Antonio ang mga pinakamahusay na kasanayan ng Board sa pagbibigay ng angkop na klasipikasyon sa mga pelikula, palabas sa telebisyon at iba pang materyal pang-media.

Tampok sa presentasyon ni Sotto-Antonio ang Responsableng Panonood (RP) na masigabong hinangaan ng mga delegado sa pagiging maka-komunidad na tema ng plataporma.

Sa ilalim ng RP, tinutulungan at tinuturuan ng Ahensya ang mga magulang at nakatatanda para maging responsableng manonood sa tahanan ng mga pamilya, kabilang na ang pagtatakda ng oras ng panonood tungo sa aktibong pakikilahok ng magulang sa panonood ng bata.

Baka Bet Mo: Lala Sotto umabot na sa US para ibandera ang ‘Responsableng Panonood’ campaign ng MTRCB

Binigyang-diin ni Sotto-Antonio na ang RP program ay nakaangkla sa tatlong pangunahing haligi:

1. Responsableng Panonood: Nagbibigay kaalaman sa mga magulang at nakatatanda sa tamang paggabay nito sa mga bata sa epektibong paggamit ng iba’t ibang katangian sa digital platforms.

2. Responsableng Paggabay: Nagbibigay ng malinaw na gabay sa mga networks, TV at film producers at content creator para mailinya sila sa nakatakdang pamantayan pagdating sa klasipikasyon ayon sa Presidential Decree No. 1986.

3. Responsableng Paglikha: Pagpapayabong ng koneksyon at pakikipagtulungan sa industriya na makabuo ng isang palabas na umaayon sa paggalang sa sensitibong kultura ng bawat Pilipino.

Tiniyak ni Sotto-Antonio na patuloy ang Board sa pagpapataas ng kalaaman ng pamilyang Pilipino pagdating sa tamang paggabay sa paggamit ng media at panonood ng kabataan ng mga online curated content at paggamit ng mga Subscription Video on Demand streaming services.

Ang pagkilala ng maraming bansa sa Responsableng Panonood ng MTRCB ay pagkilala na rin sa natatanging serbisyo ng pamahalaan para sa mga Pilipinong manonood.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Nananatiling nakapokus ang Board sa paggabay sa ating mga manonood na maging matalino at responsable sa pagpili ng mga palabas, habang patuloy nitong sinusuportahan ang malayang paglikha sa industriya ng pelikula at telebisyon,” sabi ni Sotto-Antonio.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending