Lala Sotto umabot na sa US para ibandera ang ‘Responsableng Panonood’ campaign ng MTRCB
NAKABALIK na ng Pilipinas si MTRCB Chairperson Lala Sotto mula sa Coral Gables, City of Florida, USA.
Naimbitahan si Ms. Lala ng International Institute of Communications (IIC) bilang isa sa panelist at resource person sa taunang Latin American at Caribbean Telecommunications and Media Forum.
Ginanap ang event sa Coral Gables, Florida noong May 14 na tumagal hanggang May 17, 2023.
Gumanap bilang kinatawan ng Pilipinas si MTRCB Chair Lala at dito ipinakilala niya ang mga inisyatiba ng board kaugnay sa Responsableng Panonood na siyang programa ng ahensiya.
Ipinunto ng chairperson ng MTRCB na sa kabila ng mga hamon na dala ng makalumang charter ng ahensya, sila ay titindig upang maproteskyunan ang mga stakeholders nito.
View this post on Instagram
Lumikha ng malaking interes sa mga pandaigdigang regulators ang matagumpay na pakikiisa ng MTRCB sa mga OTT providers (over-the-top), partikular na ang Netflix, at iba pa.
Samantala, noong ika-18 ng Mayo 2023, dumalaw ang delegado ng MTRCB sa pangunguna ni Chair Lala sa Philippine Consulate General sa Los Angeles, California.
Baka Bet Mo: Darryl Yap binanatan ang ‘high heels’ paandar ni VP Leni: Poor planning, wrong decision
Sila ay tinanggap nina Deputy Consul General at Acting Head of Post Alnee Gamble, Gng. Hazel Manahan-Mendoza, Cultural and Community Liaison Officer at ni Ruby Rodriguez-Aquino na ngayo’y nag sisilbi bilang isang Consul Officer.
Tinalakay sa pulong ang mga oportunidad sa pagsasamahan sa pagitan ng consulate at ng MTRCB, partikular sa proteksyon ng mga Overseas Filipino Workers at kanilang pamilya sa pamamagitan ng Responsableng Panonood.
Anak ni Tito Sen na si Lala Sotto itinalaga ni Bongbong Marcos bilang bagong MTRCB chair
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.