Aktres hiniwalayan ang mister na modelo dahil sobrang seloso at tamad
PAGIGING sobrang seloso at may pagkatamad ang dahilan kung bakit naghiwalay ang mag-asawa na ikinasal noong early 2000.
Chika ng aming source, “Iba ang kinalakihan kasi ni (aktres) masipag at independent siya kaya nu’ng nagsama na sila ng ex-husband niya (modelo) ay doon niya nakitang hindi ito gaanong nagpupursige sa buhay.
“Noong mag-dyowa palang sila ay okay naman si (ex-hubby) at maraming pangarap at boto naman ang magulang kaya nagpakasal.
“Sa first 2 years okay sila kasi laging out of the country, mayaman ang parents ni (ex-husband) tsaka medyo spoiled then nu’ng tumuntong na ang 3rd year, simula na ng gulo nila hanggang sa lumala nang lumala at naghiwalay, umalis si (aktres) sa bahay nilang mag-asawa umuwi sa parents.
Baka Bet Mo: Kilalang sexy star umatras sa isang project dahil sa dyowang aktor na sobrang seloso
“Ilang buwan ay sinundo ng dating asawa niya ang aktres at nangakong magbabago na pero hindi pa rin hanggang sa lumipas ng mga taon ay hindi na naayos ang kanilang pagsasama kaya ang ending nauwi na sa legal separation.”
May mga anak ang ex-couple at co-parenting sila at dahil malalaki na ang mga anak kaya gets na raw nila ang nangyayari.
“Funny nga kung kailan hiwalay na tsaka naman may work si (ex-husband) at si (aktres) ay panay naman ang labas ng bansa dahil sa work.
“May nagpapa-cute kay (aktres), ewan ko kung type niya,” sey ng aming source.
Ang dating asawa ng aktres ay nanatiling single dahil hoping na maging sila ulit ng nanay ng mga anak niya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.