Anak ng nabaril umano ni John Wayne Sace nagsalita na

Anak ng biktima ni John Wayne Sace nagsalita sa pagkamatay ng ama

Therese Arceo - November 01, 2024 - 06:21 PM

Anak ng biktima ni John Wayne Sace nagsalita sa pagkamatay ng ama

EMOSYONAL ang anak ng biktima umano ng pamamaril ng aktor na si John Wayne Sace sa pagpanaw ng kanyang ama.

Sa kanyang Facebook post ay ibinahagi nito ang kanyang video kung saan umiiyak ito habang yakap yakap ang kabaong kung saan nakahimlay ang amang si Lynell Eugenio.

“PAPA NASASAKTAN NAKO NG SOBRA SOBRAAA😭 HINDI KOPO TALAGA KAYA PAPA PATAWARIN MOKO, WALANG SILBE ANG PAGIGING MEDIC KO AT ANG MGA INARAL KO SA MEDICAL HINDI KITA NATULUNGAN,” saad ni Cristel.

Baka Bet Mo: John Wayne Sace arestado matapos umanong mapatay ang kaibigan

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


“PAPA PATAWAD!! HINDI KONA PO ALAM GAGAWIN KO PIPILITIN KONG MAGING MAAYOS SA LAHAT PAPA LAHAT NG PINAYO MO SAKEN LAHAT SUSUNDIN KO PAPA, AKO NA BAHALA SA KAPATID KO PAPA MAHAL NA MAHAL KITA,” sabi pa ng anak ng umano’y biktima ni John Wayne.

Makikita rin sa kanyang mga post ang kanyang mensahe para sa taong pumatay umano sa kanyang ama.

“JOHN WAYNE SACE NA TINURING NG AMA KO NA TOTOONG KAPATID!! NA MAS INUNA PA NI PAPA KESA SAMING MAGKAPATID! TIGNAN MO MAIGI ANG PINSALANG BINIGAY MO!!! SINUSUMPA KITA HANGGANG KAMATAYAN KO, HALANG ANG KALULUWA, ADIK!! MAMAMATAY TAO😭😭😭 T*NGINA!!!!!” sabi nito sa isang Facebook post.

Aniya, madalas raw sabihin ng kanyang ama na mas masarap mamatay sa kamay ng kaaway pero masakit mamatay sa kamay ng kaibigan.

Sabi pa ni Cristel, gagawin nila ang lahat para mabigyan ng hustisya ang pagkamatay ng ama.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending